Pangangalaga sa kalikasan, pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,468 total reads

Umaasa si Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na mabubuksan ang kamalayan ng mga mananampalataya sa pagkilala sa kapangyarihan ng Panginoong lumikha sa sanlibutan sa pagsisimula ng Seasons of Creation.

Ito ang mensahe ng Obispo sa Banal na Misa sa pagsisimula ng Season of Creation noong unang araw ng Septyembre sa Christ the King Mission Seminary kung saan ginanap ang makahulugang Walk for Creation.

Ayon sa Obispo, ang unang araw ng Septyembre na siya ring pandaigdigang araw ng pananalangin para sa sanilikha ay pagpapahayag ng pagkilala sa kapangyarihan at pagmamahal ng Panginoon sa mga tao at sa lahat ng kanyang nilalang.

Ipinagdarasal ng Obispo na mapukaw ang mas malalim na pagpapahalaga ng bawat tao sa bawat bahagi ng kalikasan.

“Ito ay kagaya nung ating matutunghayan duon sa Laudato Si ng ating Papa Francis, ang araw na ito ay pagpapahayag ng ating pagkilala sa kapangyarihan sa pagmamahal at sa pagpapahalaga ng Diyos sa ating mga tao.” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ng Obispo ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan.

“Sa ating mga kapanalig sana maging simula ito na talagang mabuksan ang ating kamalayan at pagkilala sa tunay na katuturan ng paglikha ng Diyos sa atin at sa iba pang mga nilikha na ito ay pagpapahayag ng kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal sa ating lahat at tayo ay kan’yang binabahaginan ng kapangyarihang yan, tayong mga tao.” Ayon kay Bishop Iñiguez

Samantala, nagpasalamat naman si Fr. John Leydon, MSSC – Convener ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas sa suportang ipinakita ng mga mananampalataya at ng simbahang Katolika sa adbokasiya ng pangangalaga sa kalikasan gayun din sa mga dumalo sa Walk for Creation.

“Ito ay napaka gandang pahiwatig na ang ating simbahan ay bukas na sa panawagan ng Diyos sa ating panahon para sa lahat ng tao na kumilos na bago mawasak ang ating kapaligiran” pahayag ni Father Leydon sa Radyo Veritas.

Sa tala ng GCCM-Pilipinas umabot sa 3,000 mga mananampalataya ang nakilahok sa ikalawang taon ng pagsasagawa ng Walk For Creation sa unang araw ng Septyembre 2018 sa Christ the King Mission Seminary.

Matatandaang noong ika-1 ng Septyembre 2017, ay pinangunahan ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang Walk for Creation na ginanap sa Luneta, kung saan tinatayang 5,000 mananampalataya mula sa iba’t-ibang mga parokya, paaralan, at institusyon ang nakilahok sa pagdiriwang.

Umaapela naman si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mananampalataya na gamiting pagkakataon ang season of creation sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Read more: Pagdiriwang ng Season of Creation, Gamiting daan sa pangangalaga sa kalikasan

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 1,545 total reads

 1,545 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 64,726 total reads

 64,726 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 5,343 total reads

 5,343 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 121,244 total reads

 121,244 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 241,824 total reads

 241,824 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 291,891 total reads

 291,891 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 42,781 total reads

 42,781 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 72,330 total reads

 72,330 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 65,174 total reads

 65,174 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top