Hindi maaring arestuhin ng pamahalaan si Trillanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 392 total reads

Nanindigan ang dating Solicitor General na hindi maaring arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV ng walang ‘Warrant of Arrest’.

Ito ang iginiit ni Atty. Florin Hilbay dating Solgen ng administrasyong Aquino kaugnay sa nakaambang pag-aresto sa Senador matapos ipawalang bisa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang iginawad sa dating rebeldeng sundalo.

“Malinaw naman na walang Warrant of Arrest, dahil nadismiss na ang mga kaso sa kaniya (Trillanes). Kung paiisyuhan siya ng bagong warrant sa tingin ko po kailangan labanan ‘yan ni Senator Trillanes dahil meron na rin siyang Certificate of Amnesty ay hindi na siya paisyuhan pa ng Warrant of Arrest,” ayon kay Hilbay.

Dagdag pa ni Hilbay hindi maaring ipag-utos ng Pangulo ang pag-aresto kundi tanging ang hudikatura lamang ang may kapangyarihan para magpa-aresto.

Binigyan diin ni Hilbay hindi rin maaring bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyong political ng nakalipas na gobyerno partikular na ang paggawad ng kapatawaran sa grupo ni Trillanes.

“Yung instrumento ng Amnestiya ibig sabihin ay pinapatawad na po siya at ‘yung kaniyang grupo sa kung ano man ang kanilang ginawa nung mga nakaraang panahon. Kaya hindi maaring kwestyunin ng bagong Administrasyon ang political na desiyon noong nakaraang Administrasyon,” paliwanag ni Hilbay sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Hilbay, nakasaad rin sa Saligang Batas na ang presidente kasama ang kongreso ay maaring magbigay ng amnestiya para kalimutan ang anumang kaso ng ilang grupo.

Si Trillanes kasama ang ilang pang junior officers ay nasangkot sa Oakwood Mutiny noong 2003 at Manila Peninsula Siege na nangyari noong 2007 laban noon kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Laging binibigyan diin sa katuruan ng Simbahan na huling umiiral na kapangyarihan ay ang konsensya ng indibidwal na tao dahil ang immoral na batas ay hindi dapat sundin, kahit pa iutos ng Estado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,100 total reads

 73,100 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,309 total reads

 168,309 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,577 total reads

 212,577 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 235,686 total reads

 235,686 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,533 total reads

 307,533 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top