VeritasPH

The Word, The Truth

Importasyon ng sibuyas, tinututulan ng mga magsasaka.

SHARE THE TRUTH

 128 total views

Nangangamba ang mga magsasaka ng sibuyas sa Nueva Ecija sa binabalak ng pamahalaan na mag-angkat ng mga produktong sibuyas.

Ayon kay Dandyl Tañedo, Secretary ng Katipunan ng mga Samahang Magsisibuyas ng Nueva Ecija o KASAMNE, malaki ang magiging epekto nito sa Lokal na produksyon ng sibuyas kung papayagan ng pamahalaan ang importasyon.

Pangamba ng grupo na mas tatangkilin ng mamamayan ang mga imported na sibuyas at hindi ang lokal na produkto.

“Nakakatakot paano ma-ipoproduce ang aming mga sibuyas kapag nag-import sa ibang Bansa papaano na ang amin, kaya naman nakababahala na. Kapag may nakapasok na imported na Sibuyas ay malaki ang magiging epekto sa ating Ekonomiya.” pahayag ni Tañedo sa Radio Veritas.

Magugunitang ika – 23 ng Agosto ng hilingin ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa Bureau of Customs na suspendihin ang special safeguard o ang taripa na ipinapataw sa sibuyas upang makatulong mabawasan ang presyo nito sa pamilihan.

Nanindigan ang KASAMNE na hindi makabubuti sa lokal na mga magsasaka ang panukala ng pamahalaan dahil maaring dahilan ito sa tuluyang pagkawala ng industriya ng sibuyas sa bansa.

EPEKTO NG TRAIN LAW

Naniniwala rin ang grupo na may epekto ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law dahil sa mga kagamitan ng mga magsasaka na nangangailangan ng langis.

PRODUCTION COST

Inihayag ni Tañedo na aabot sa P122, 000 ang ginagastos ng mga magsasaka sa kada isang ektaryang lupa na tinatamnan ng sibuyas kabilang na dito ang pagsasaayos sa lupa.

Sa kabuuang 1, 400 ektaryang taniman ng sibuyas ng KASAMNE, umaabot sa 400 kahon ang inaaning sibuyas na may 30 kilo ang kada kahon.

Ipinagtataka naman ni Tañedo na 60 pesos lamang kada kilo ng sibuyas ang bili ng mga negosyante sa mga magsasaka ngunit doble na ang halaga nito sa mga pamilihan.

Dahil dito, hinamon ng grupo ang pamahalaan na suriin ang labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas gayong mababa ang bili nito mula sa mga magsasaka.

Unang hinimok ng Simbahang Katolika sa bansa ang pamahalaan na suportahan ang lokal na mga magsasaka upang lalo itong mapalago at makatutulong sa mamamayan at sa Ekonomiya ng bansa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,869 total views

 2,869 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,626 total views

 8,626 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,889 total views

 15,889 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,874 total views

 23,874 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,410 total views

 31,410 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 2,689 total views

 2,689 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Economics
Norman Dequia

Housing program ng administrasyong Marcos, popondohan ng Pag-IBIG fund

 46,055 total views

 46,055 total views Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang programang pabahay. Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng pag-apruba ng Pag-IBIG Fund sa 12-bilyong pisong pondo para mahigit siyam na libong pabahay ng National Housing Authority.

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

 11,806 total views

 11,806 total views Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa. Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang

Read More »
Economics
Norman Dequia

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

 11,890 total views

 11,890 total views Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

 11,647 total views

 11,647 total views Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants. Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day. Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

 11,781 total views

 11,781 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

 11,315 total views

 11,315 total views Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa. “Sa kalagayan

Read More »
Economics
Norman Dequia

Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

 13,180 total views

 13,180 total views Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer. Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero. Ayon kay Sandoval pinaiigting ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Locally-made jeepney, giit ng transport sector

 12,441 total views

 12,441 total views Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong

Read More »
Economics
Norman Dequia

Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

 11,063 total views

 11,063 total views Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon. Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa. Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 12,194 total views

 12,194 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund. Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

38-bilyong pisong kita, inulat ng PAG-IBIG Fund

 11,380 total views

 11,380 total views Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na

Read More »
Economics
Norman Dequia

3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

 10,131 total views

 10,131 total views Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Paggamit ng Coconut sugar, isinulong ng local business

 10,387 total views

 10,387 total views Bilang pagkilala at tulong sa mga magsasaka sa bansa, inilunsad ng small-medium enterprise ang produktong gumagamit ang asukal mula sa niyog. Ayon kay Starkaffea CEO Cheng Pabilonia ng Starkaffea Corporation ang Chocolea ay gumagamit ng ‘coconut sugar’ bilang pampatamis na hinahango mula sa coconut farmers sa buong Pilipinas. Bukod sa makakabuti sa kalusugan,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Maganda at epektibong public transportation, tugon sa hindi mapigilang oil price hike

 10,077 total views

 10,077 total views Isinusulong ng transport advocates ang pagpapaganda sa pampublikong transportasyon sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay AltMobility PH Executive Director Ira Cruz, naniniwala itong mabawasan ang paggamit ng sasakyan ng mamamayan kung may maayos at maginhawang public transportation lalo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top