Pagpansin sa mga “brainless” na pahayag ng Pangulong Duterte, pag-aaksaya ng panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagbibigay pansin sa mga walang saysay na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang tugon ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – dating Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines sa pinakahuling kontrobersyal na pahayag ng Pangulo patungkol sa usapin ng tumataas na kaso ng panggagahasa o rape sa kanyang lugar sa Davao city.

Ayon sa Madre, tila hindi pinag-iisipan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pahayag partikular sa mga maseselang usapin tulad ng rape.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na alam ng lahat na ang rape ay isang seryosong usapin kung saan dapat na bigyang paggalang at suporta ang mga kababaihang biktima.

“We have always proclaimed that Rape is not a joke and that women should be respected etc. alam naman natin na ganun siya ano, na hindi na siya magbabago kaya sa akin it’s such a waste of time to make an intelligent (reaction), hindi naman siya intelligent yung kanyang mga sinasabi naman is so mindless, brainless…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang pahayag ng pangulong Duterte ay ikinadismaya ng iba’t ibang grupo at sektor na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan.

Ang naturang pahayag ng Pangulo ay kaugnay sa inilabas na datos ng Philippine National Police kung saan lumabas na sa 2nd Quarter ng kasalukuyang taong 2018 na ang may pinakamataas na kaso ng rape ay ang Davao city na 42; sinundan ito ng Quezong City na may 41-kaso; Maynila na may 32; Cagayan de Oro City na may 24 at Zamboanga City na may 21 kaso.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo na kinakailangan igalang at pangalagaan na taliwas naman sa sinasapit ng maraming mga kababaihang nabibiktima ng pang-aabuso at panggagahasa.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 3,900 total reads

 3,900 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 128,070 total reads

 128,070 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 188,565 total reads

 188,565 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 202,516 total reads

 202,516 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 283,173 total reads

 283,173 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 379,408 total reads

 379,408 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top