Tayo ang unang nagtabóy sa kanila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Mga Kapanalig, habang abalá ang marami sa atin sa mga isyung ‘ika nga’y malapit sa sikmura—gaya ng nagtataasang presyo ng mga bilihin—at habang nililito tayo ng ating mga lider para lamang pagtakpan ang kanilang mga pagkukulang, halos 400,000 na Pilipinong ilegal na namamalagi sa isla ng Sabah sa Malaysia ang maaaring makulong doon.

Ito ang kanilang posibleng sapitin nang magtapós noong Huwebes ang dalawang taóng Voluntary Deportation Program ng Malaysia, isang amnesty program kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga tinatawag na undocumented Filipinos doon na lisanin ang bansa at bumalik sa Pilipinas. Sa 400,000 na Pilipinong pumasok sa Malaysia sa ilegal na paraan, halos 6,000 lamang o wala pang isang porsyento sa kanila ang pumayag sa amnesty. Hindi na raw palalawigin o ie-extend ng Malaysia ang nasabing amnesty program.

Mukhang hindi umubra ang pakiusap ng pamahalaan natin, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA, sa ating mga kababayan doon na bumalik na lang kaysa makulong habang dinidinig ang kanilang deportation case. Hindi pa malinaw kung ano ang konkretong aksyong gagawin ng pamahalaan, maliban sa pagsasabing magbibigay sila ng tulong sa mga maaapektuhan ng crackdown ng pamahalaang Malaysia sa mga illegal migrants.

Ngunit ang isyung ito ay hindi lamang tungkol sa pagpasok ng mga kababayan natin sa Malaysia sa paraang labag sa batas doon. Dapat nating maintidihang ang mga Pilipinong nasa sa Sabah ay mula sa Mindanao. Galing sila sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at iba pang probinsyang matindi ang kahirapan at mailap ang kapayapaan. Sila ang mga kababayan nating hindi nakatitikim ng bunga ng kaunlaran ng bansa, mga kababayan nating pinagkakaitan ng pagkakataong umunlad, mga Pilipinong hindi nararamdamang bahagi sila ng ating bayan. Sila ang mga kababayan nating piniling makipagsapalaran sa Sabah upang makalayo sa digmaan at makahanap ng hanapbuhay.

Tayong mga kababayan nila ang unang nagtaboy sa kanila.

Maganda ang paalala ni Pope Francis sa isang pulong tungkol sa immigration. Aniya, ang mga migrante ay hindi lamang mga numero, hindi lamang sila mga statistics. Sila ay mga taong may sariling kasaysayan, may mayamang kultura, may pakiramdam, at may mga pangarap para sa kanilang pamilya. Sila ay mga kapatid nating nangangailangan ng tuluy-tuloy na tulong, anuman ang estado ng kanilang pamamalagi sa isang dayuhang bansa. Lahat sila, pagbibigay-diin pa ng Santo Papa, ay naghahangad na tayong mga may kakayanan at nakaririwasa, ay magkakaroon ng tapang at malasakit upang buwagin ang bakod ng kawalang-pakialam na nagpapalalâ sa kanilang kalagayan.

Nasa krisis ang mga kababayan natin sa Sabah. Kung itutuon lamang ng ating pamahalaan ang atensyon, lakas, at pondo nito sa pagtiyak na may kinabukasang naghihintay sa mga kababayan natin sa pagbabalik nila sa Mindanao, hindi tayo hahantong sa ganitong kalagayan. Ano kaya ang plano ng administrasyon, lalo na ng ating presidenteng mula sa Mindanao, upang tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating nalalagay sa alanganin sa Sabah? Sa halip na makipag-away sa mga kritiko, bakit hindi ito ang pagtuunan ng panahon ni Pangulong Duterte?

Mga Kapanalig, hinihingi ng kalagayang ito ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang Simbahan. Nariyan ang Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People ng CBCP. Bagamat kakaunti ang mga Katoliko sa mga lugar sa Mindanao na pinanggagalingan ng mga nagtutungo sa Malaysia, sinisikap ng mga diyosesis roong makisangkot sa pagtiyak na napapangalagaan ang dignidad at karapatan ng mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bayan.

Tayo namang malayo roon, maliban sa pag-alala sa mga kababayan natin sa ating mga panalangin, humanap tayo ng paraan upang maipakita ang pakiiisa natin sa pagdurusa nila. Sabi nga ni Pope Francis, “Ang sukatan ng kadakilaan ng isang lipunan ay matatagpuan sa kung paano nito tratuhin ang mga nangangailangan at walang-wala sa buhay.”

Sumainyo ang katotohanan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 3,556 total reads

 3,555 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 8,066 total reads

 8,066 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 123,848 total reads

 123,848 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 244,428 total reads

 244,428 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 294,326 total reads

 294,326 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Usapang klima

 8,069 total reads

 8,069 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 123,851 total reads

 123,851 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 244,431 total reads

 244,431 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »
Scroll to Top