Anti-Martial law protest, isasagawa sa September 21

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total reads

Magsasagawa ng isang malawakang pagkilos ang iba’t-ibang grupo sa ika-21 ng Setyembre upang manindigan para sa pag-iral ng demokrasya ng Pilipinas.

Ayon kay Nardy Sabino, Spokesperson ng Promotion of Church Peoples Response ang pagkilos ay bahagi ng paggunita sa deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos 46 na taon na ang nakakalipas.

Hinihikayat ni Sabino ang lahat na makiisa sa pagkilos na magsisimula sa isang banal na misa upang ipanalangin ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa bago magtipon-tipon sa Luneta ganap na alas-kwatro ng hapon.

“Iniimbitahan namin ang lahat na makiisa sa ating gagawin na misa sa ika-21 ng Setyembre bago pumunta sa malaking pagtitipon ng alas-kwatro sa Luneta…” paanyaya ni Sabino sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Sabino na layunin ng naturang gawain na maipakita ng mamamayang Filipino ang sentimiyento para sa kalayaan ng bansa mula sa iba’t-ibang banta ng diktadura at tiranya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

September 23, 1972 ng ipatupad ng Pangulong Marcos ang Martial Law o Batas Militar ngunit September 21, 1972 ang opisyal na petsang nakasulat sa Proclamation 1081.

Sa tala aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos habang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at rehimeng Marcos.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa kung saan ang pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat ang dapat na mas inuuna at binibigyang halaga ng mga opisyal ng bayan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 3,185 total reads

 3,185 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 66,346 total reads

 66,346 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 7,515 total reads

 7,515 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 123,317 total reads

 123,317 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 243,897 total reads

 243,897 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 293,820 total reads

 293,820 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top