Bisitahin ang Our Lady of Penafrancia sa St.Joseph Parish Tondo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total views

Nagpamalas ng labis na kagalakan ang mga mananampalataya sa St. Joseph Parish, Gagalangin, Tondo sa pagbisita ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na nagsimula noong ika-5 ng Septyembre.

Sa banal na misang pinangunahan ni Father Joey Tuazon – Kura Paroko ng St. Joseph Parish, hinimok nito ang mga mananampalataya na tularan ang kababaang loob ng mahal na Ina, at ang kahandaan nitong tumalima sa utos ng Panginoon.

Sinabi ng Pari na si Maria ang pinaka dakilang Ehemplo ng pagiging bukas sa mga iniuutos ng Diyos bagamat hindi lubos na nauunawaan ang ibinalita sa kanya ng anghel ay buong puso nitong inialay ang sarili sa kalooban ng Panginoon.

“Ephphatha be open. Napakahalaga ng pagiging bukas at ang ating mahal na Ina ang Ehemplo ng pagiging bukas. Hindi lamang bukas ang kanyang tainga kundi bukas ang kanyang puso at buong pagkatao, sapagkat nang kanyang marinig ang pagbati ng Anghel sa kanya, Even if she does not completely understand that time, ang ating mahal na ina ay tumugon,” Homiliya ni Father Tuazon.

Dahil dito umaaasa si Father Tuazon na tulad sa ebanghelyo kung saan binuksan ni Hesus ang pandinig ng isang bingi na maging bukas din ang puso ng mga mananampalataya upang marinig ang kalooban ng Diyos.

Samantala, inaanyayahan din ni Father Tuazon ang mga mananampalataya na dumalo sa iba pang programa ng Parokya para sa pananatili ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa St. Joseph Parish.

Ngayong ika-10 ng Septyembre alas syete y medya ng gabi ay magkakaroon ng Film Showing sa Parokya na pinamagatang “Ikaw ang Pag-ibig”.

Sa ika-11 naman ng buwan ay idadaos ang isang Healing mass – alas sais y medya ng gabi – kasunod ang Manto imposition ng Our Lady of Peñafrancia.

Sa ika-12 naman ng Septyembre ay gaganapin ang huling Misa para sa mahal na birhen kasunod ang banal na prusisyon simula alas sais y medya ng gabi.

Matapos ito, sa ika-13 ng Septyembre ay ibabalik na ang Pilgrim Image ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 15,879 total views

 15,879 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 44,443 total views

 44,443 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 94,457 total views

 94,457 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 89,822 total views

 89,822 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 124,114 total views

 124,114 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 326,195 total views

 326,195 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top