Nagsilikas na residente ng Infanta, nasa kanlungan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total reads

Kinanlong ng mga Simbahan at Kombento sa Prelatura ng Infanta ang mga nagsilikas na residente dahil sa epekto ng bagyong Ompong. Ayon kay Rev. Fr. Israel Gabriel, Social Action Director ng Prelatura ng Infanta, halos limang libong mga residente ng Aurora ang nagsilikas ng manalasa ang bagyo upang matiyak na ligtas sa banta ng storm surge.

“Almost all ng mga Parokya at Kombento ng mga pari ang binuksan para sa mga iba’t ibang evacuues.” bahagi ng pahayag ni Fr. Gabriel sa Radio Veritas.

Nagpasalamat naman ang pari sa mamamayan na nagkaisang manalangin para sa kaligtasan ng mga residenteng apektado ng bagyong Ompong sa Hilagang Luzon.

Ibinahagi rin ng pari na bagamat maraming pananim sa lalawigan ng Aurora ang nasira makaraang hagupitin ng malakas na hanging dala ng bagyo ay ligtas ang mga residente at wala gaanong na pinsala.

Saad pa ni Fr. Gabriel bagamat humina na ang hangin at ulan sa malaking bahagi ng Aurora partikular sa Casiguran ay nanatili pa rin ang ibang residente sa mga evacuation centers habang ang iba ay bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos matiyak na ligtas na sa banta ng sakuna.

Bukod dito ay nagpasalamat din ang Pari sa Caritas Manila at sa Himpilan ng Radio Veritas sa tulong na naibahagi sa mga lumikas na residente at sa pagbibigay daan upang makapanawagan sa mamamayan.

Aniya, sa mga nais pang magbigay ng tulong sa mga nagsilikas ay maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Social Action Center ng Prelatura sa St. Therese of the Child Jesus parish sa Dipaculao Aurora o tumawag sa telepono bilang 09984975028.

Sa tala ng PAGASA higit na nanalasa ang bagyong Ompong sa Hilagang Luzon ngunit nagdulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas ng Habagat.

Una nang nagpaabot ng tulong pinansyal ang Simbahang Katolika sa limang Diyosesis ang Ilagan, Tabuk, Tuguegarrao, Batanes at Laoag sa pangunguna ng Caritas Manila – ang action ng Archdiocese ng Manila.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 4,840 total reads

 4,840 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 16,801 total reads

 16,801 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 57,361 total reads

 57,361 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 84,524 total reads

 84,524 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 132,789 total reads

 132,789 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 154,124 total reads

 154,124 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top