Rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ompong, sisimulan na ng Diocese of Laoag.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng pananampalataya sa Panginoon.

Ito ang inihayag ni Laoag, Ilocos Norte Bishop Renato Mayugba kaugnay sa kanilang mga tinatanggap na tulong para sa mga residente makaraang maapektuhan ng malakas na bagyong Ompong.

“The truth of our Christian faith is ayon sa ating pananampalatayang nagmamahal at ipinapakita ang ating pagmamahal sa gawa,” ayon kay Bishop Mayugba.

Kabilang ang Diocese ng Laoag sa mga diyosesis na higit na nasalanta ng bagyo na pinaglaanan ng inisyal na pondo ng Caritas Manila.

“Napakagandang nakikita na ng lahat na ang ating simbahan ay may puso at nakikiramay at tumutulong sa lahat ng nasalanta ng bagyong Ompong. Dito natin makikita na ang ating simbahan ay hindi nagpapabaya sa mga sinalanta ng bagyong Ompong,” ayon kay Bishop Mayugba.

Ayon sa Obispo, kagya’t na nagsagawa ng relief operation ang social action center ng diyosesis sa pakikipagtulungan na rin ng lokal na pamahalaan at sa mga nagpaabot ng kanilang tulong.

“Ngayon naman ay uumpisahan natin ang rehabilitasyon, pagtulong sa pagbangon muli ng ating kababayan. May iba na kailangan ng infrastructure help at ang pagbangon para sa ating mga magsasaka yung kanilang harvest kasi ay talagang nasira. Yun ang rehab work na gagawin ng diocese, makikipagtulungan sa gobyerno at sa generous benefactors,” ayon pa sa Obispo.

Sinabi ni Bishop Mayugba na napakagandang makita ang pagkilos ng simbahan sa pagtulong sa kapwa na siya ring nagpapakita na hindi nagpapabaya sa kaniyang kawan lalu na sa panahon ng kalamidad.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na rin ang diyosesis para sa isasagawang rehabilitasyon sa mga nasirang mga tahanan at kabuhayan ng mga taga-Ilocos Norte.

Base sa tala, aabot sa 14 na bilyong piso na ang nasira ng bagyong Ompong kung saan higit na nasalanta ang mga taniman ng gulay at mga palayan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,003 total reads

 15,003 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 31,808 total reads

 31,808 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 60,500 total reads

 60,500 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 108,765 total reads

 108,765 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 130,854 total reads

 130,854 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 229,035 total reads

 229,035 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 20,583 total reads

 20,583 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top