Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

National Laity Week, Bubuksan sa Diocese of San Pablo Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total views

Inanyayahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mga Layko na makiisa sa pagbubukas ng National Laity Week ngayong sabado ika-22 ng Septyembre.

Ayon sa Obispo, layunin ng taunang pagsasagawa ng National Laity Week na ipakita at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa sa misyon ni Hesus.

Binigyang diin ng Obispo na ang mga layko ay hindi lamang mga tagatanggap ng salita ng Diyos at mga biyaya kungdi mga misyonero na nagpapahayag ng mabuting balita sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay maging sa bahay, paaralan, pulitika, negosyo at sa lahat ng bahagi ng lipunan.

“Ang pinaka goal n’yan ay upang ipaalam sa mga layko ang mahalagang papel nila sa simbahan. Hindi lang sila tagatanggap ng Mabuting Balita, ng grasya ng Diyos, ang lahat, ang bawat isa ay mga misyonero, missionaries, kaya sila din ay missionaries of the faith, dapat mag-evangelize” pahayag ni Bishop Pabillo

Ngayong taon, ang National Laity Week ay may temang “The Laity in Solidarity with the Clergy and Consecrated Persons towards Social Transformation.”

Dahil dito, binigyang diin rin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa at mga layko.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na ang nalalapit din na pagdating ng relikya ni Santo Padre Pio ay paalala sa lahat ng pagtawag ng Diyos patungo sa kabanalan.

Ayon sa Obispo, iisa lamang ang Simbahang pinaglilingkuran ng bawat tao maging pari man o layko.

“Kaya nga sinasabi sa atin dito na mayroong cooperation dapat ang clergy, ang religious at ang Laity, iisa lang naman ang simbahan na pinaglilingkuran natin, iba-iba lang ang ating mga tungkulin dito, at ang pagdating ni Padre Pio ay nagpapaalalaala na lahat sa atin ay tinatawag sa kabanalan,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang pagbubukas ng National Laity Week ay ipagdiriwang sa San Pablo Cathedral at pangungunahan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, D.D. ang banal na misa.

Susundan ito ng mga talakayan at pag-aaral kung saan kabilang sa magbibigay ng pag-aaral si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Samantala, gaganapin naman ang pagtatapos ng National Laity Week sa ika-29 ng buwan sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 17,756 total views

 17,756 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 33,452 total views

 33,452 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 41,852 total views

 41,852 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 106,213 total views

 106,213 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 172,598 total views

 172,598 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 338,762 total views

 338,762 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top