NFA, tiniyak na tutugunan ang krisis sa bigas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Tiniyak ng National Food Authority sa publiko na gumagawa ng hakbang ang ahensya upang matugunan ang suliranin ng bigas sa bansa.

Ayon kay Director Rex Estoperez, tagapagsalita ng NFA, hindi tumitigil ang ahensya sa paghanap ng pamamaraan upang maibalik sa normal ang suplay ng bigas sa mga pamilihan sa abot kayang halaga.

“Gagawin po namin ang paraan, Ilalabas po natin ang lahat [bigas] sa ating mga bodega para at least, maibsan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.” pahayag ni Estoperez sa Radio Veritas.

Ikinatwiran ng opisyal na bumuo ng task force ang pangulong Duterte upang siyasatin ang mga bodega ng pribadong negosyante upang matiyak na walang nagtatago ng bigas at nailabas ito sa mga pamilihan para matulungan ang mamamayan.

Sinabi nitong ang aberya sa NFA ay dahil sa pagkakaiba ng pananaw ng NFA Council at pamunuan ng NFA hinggil sa pag-aangkat ng bigas para mapanatili ang suplay nito lalo na sa mga buwang walang inaani ang mga magsasaka sa Pilipinas.

Gayunpaman, binigyang diin ng opisyal na dapat mamagitan ang pamahalaan sa sitwasyong nararanasan ng mamamayan na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Iginiit nito na ang akusasyong hindi nagampanan ng NFA ang mandatong panatilihin ang suplay ng abot kayang halaga ng bigas sa mga pamilihan ay dulot ng iba’t ibang mga dahilan.

Ayon pa ni Estoperez, mayroong 2.2 milyong kaban ng bigas sa mga bodega ng NFA.

Sa turo ng Simbahang Katolika, tungkulin ng pamahalaan na pangunahan ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa bawat nasasakupan kasabay ng pag-unlad ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,048 total reads

 120,048 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,454 total reads

 257,454 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,230 total reads

 373,230 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,895 total reads

 488,895 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top