Campaign Against Corruption ng Pangulong Duterte, Naging Katatawanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,461 total reads

Ito ay dahil ang pangulong Rodrigo Duterte ay isang joke.

Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi na pinaniniwalaan ang pangulong Duterte sa mga pahayag nito maging ng mga nakakilala sa kanya.

Bukod sa battle cry na ihinto ang kalakaran ng iligal na droga sa bansa naging pangako din ng pangulo na lansagin ang talamak na corruption sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Unang nabunyag ang malawakang katiwalian ng mismong mga fraternity brother ng pangulong Duterte sa Bureau of Immigration.

Nabunyag din ang matinding corruption sa Bureau of Customs at Department of Tourism gayundin ang “tara system” sa National Food Authority.

Ayon kay Bishop Bacani, ang laganap na katiwalian sa administrasyong Duterte ay patunay na isang joke lamang ang kampanya ng pangulo kontra katiwalian.

Ayon kay Bishop Bacani, anong klaseng Presidente ang madalas hindi dapat seryosohin at kailan seryosohin.

Ang pahayag ni Bishop Bacani ay kaugnay sa naging pag-amin ng Pangulong Duterte na ang kanyang naging kasalanan ay extra judicial killings na agad nilinaw ng Presidential spokesman na isang joke lamang.

“Kayo na ang humatol. Anong klaseng presidente ang madalas di dapat seryosohin? Kailan seseryosohin? Kaya siguro pati ang campaign against corruption nagiging kaatatawanan. Di sineseryoso ng mga nakakakilala kay presidente.”pahayag ni Bishop Bacani

Kilala ang pangulong Duterte sa mga paulit-ulit na rape jokes.

Dapat pa bang paniwalaan ang Pangulong Duterte?

Pinayuhan ni Bishop Bacani ang mga Filipino na gumising, mag-isip, matutong kumilatis at magsalita sa mga hindi kaaya-ayang jokes ng Pangulong Duterte.

Hinimok din ng Obispo ang mamamayan na kumilos ng sama-sama para labanan ang katiwalian sa pamahalaan.

Hinikayat ng Obispo ang taumbayan na ipagdasal ang pangulong Duterte at mga opisyal ng gobyerno na pagsilbihan ang interes ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 117,944 total reads

 117,944 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,522 total reads

 255,522 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,298 total reads

 371,298 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,026 total reads

 487,026 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top