Domestic Violence: Isyung Hindi Lamang Pampamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,973 total views

Kapanalig, sa ating bansa, ang domestic violence ay isang uri ng karahasan na kadalasan nating hindi pinakiki-alamanan. Marami sa atin ang naniniwala na ito ay isang isyung pampamilya, o isyung mag-asawa lamang.

Marami ng pag-aaaral sa buong mundo na nagpapatunay na ang domestic violence ay isang worldwide phenomena- ito ay nangyayari sa maraming mga pamilya at partnerships sa buong mundo. Ang mga biktima nito ay maaring maging babae o lalake. Ngunit dahil pagdating sa karahasan at lakas karaniwan ang lalake ang may kapangyarihan, mas marami ang biktimang babae. Ayon sa sa World Health Organization (WHO), isa sa tatlong babae sa buong mundo ang nakakaranas ng karahasan. Karamihan dito ay nasasaktan ng kanilang asawa o partner. Sa buong mundo, tinatayang umabot sa 38% ng mga kasong murder ng babae ay nagawa ng kanilang mga partners.

Base naman sa 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) sa atin, isa sa limang babaeng may edad 15-49 years old ay nakakaranas ng physical violence. Ang mga edad na ito ay sakop ang mga reproductive years ng babae, na nangangahulugang may mga babaeng buntis na nakaranas ng physical violence. Tinatayang 4.2% ng mga babaeng buntis na may edad 15-49 ang nagging biktima ng karahasan. Ang kanilang mga asawa o boyfriends ang karaniwang nananakit sa kanila, hindi lamang sa pisikal na aspeto, kundi mental at emosyonal din.

Kapanalig, ang mas nakakalungkot dito, sa dinami-dami ng biktima ng karahasan sa kamay ng kanilang mga minamahal, kakaunti lamang ang nag-rereport o humihingi ng tulong. Base na rin sa datos ng 2013 NDHS, tatlo lamang sa sampung babae may edad 15-49 ang humingi ng tulong upang matigil ang karahasan na kanilang nararanasan. Tatlo sa sampu ang nagkwento lamang sa iba ngunit hindi humingi ng tulong, habang apat sa sampu ang nagtikom na lamang ng kanilang bibig at nagtiis. Pamilya at kaibigan ang pinupuntuhan ng mga pumiling humingi ng tulong.

Kaya nga’t kailangan ng tulong ng lipunan sa usaping domestic violence. Maraming mga biktima nito ang walang kakayahang magsalita. Ang domestic violence ay malaki ang epekto sa mentalidad ng tao; marami sa mga biktima nito ay lito, nababalot ng takot, at “helplessness.” Base nga sa datos ng 2008 NDHS, ang mga pyschological consequences ng domestic violence ay depression, galit, at takot. Dahil pamilya ang usapin, marami sa mga biktima nito ay tinatanggap na lamang ang pananakit sa ngalan ng kapayapaan ng pamilya.

Ang karahasan ay walang lugar sa anumang uri ng relasyon, lalo pa’t sa mga relasyon na dapat pag-ibig ang nagtatali. Sa panlipunang turo ng Simbahan, ang karahasan ay mariing kikondena dahil taliwas ito sa dignidad ng tao, sa right to life, at sa esensya mismo ng ating Panginoon: ang pagmamahal. Nakakalungkot na kahit pa sa mag-asawa, ang “power” kaysa pag-ibig ang nanaig sa ilang mga samahan. Tayo bilang isang kristyanong lipunan ay hindi dapat maging bulag sa isyu ng domestic violence. Gisingin sana tayo ng mga kataga ni Pope John Paul II sa Evangelium Vitae, “Imposible nating maipaglalaban ang kabutihang pang-balana kung hindi natin itataguyod ang karapatan ng tao sa buhay.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,400 total views

 14,400 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,414 total views

 64,414 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,283 total views

 60,283 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,449 total views

 96,449 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,509 total views

 104,509 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,401 total views

 14,401 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,415 total views

 64,415 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,284 total views

 60,284 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,450 total views

 96,450 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top