Year of the Youth, bubuksan ng Diocese of Borongan sa pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Persons

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 462 total views

Patuloy ang pagpapatibay ng Diocese of Borongan sa samahan ng kanilang mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa sa kabila ng pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.

Nagdaos ng ballgames ang Diyosesis kung saan hinati sa tatlong grupo ang mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa, at pinangalanan ang tatlong kupunan ng “Poverty”, “Chastity” at “Obedience” na hango sa Religious Vows.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, isang magandang pagkakataon ito upang lalo pang mapaglapit ang mga lingkod ng Panginoon na mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Naniniwala ang Obispo na ang mabungang paglilingkod ng mga Pari at Madre ay nagsisimula sa magandang pagsasamahan nito, na hindi lamang nabubuo sa mga Conference at Seminar kung di sa pamamagitan din ng sports.

“Maganda yung merong ganitong mga activities. Maganda yung samahan ng mga pari saka mga religious sa Diocese na working together for the Local Church, ang basic principle kasi is if you have good relation, you can easily function kaya isa ito sa mga activities sa Diocese sa celebration sa Year of the Clergy and Consecrated person para mapalalim nag pagkakaibigan ng mga Pari at mga Madre religious men dito sa Diocese.” pahayag ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.

Ipinagdarasal ng Obispo na sa nalalapit na pagbubukas ng Year of the Youth ay pagsumikapan ng bawat pari, relihiyoso at relihiyosa na maging buhay na saksi ni Kristo upang maipakita sa mga kabataan ang kagandahan ng pagbobokasyon.

Umaasa din si Bishop Varquez na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga kabataan na aktibong makisangkot sa mga gawain sa Simbahan upang mapagyabong ang kanilang pananampalataya, at umusbong ang pagkakaroon ng bokasyon bilang mga pari at madre.

“Una is pagiging saksi, witnessing that’s number 1, sana makita sa aming mga pari at madre yung pagiging buhay naming saksi ni Kristo dito sa aming Local Church. We encourage the youth to be active and give their participation to this celebration Year of the Youth para magising naman yung kanilang kamalayan sa pag-involve sa simbahan at the same time kung tinatawag sila na magpari at mag madre madali nilang mapag nilayan at active sila sa lahat ng programa sa Simbahan.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.

Ang Diocese of Boronggan ay mayroong tinatayang mahigit sa 260 mga mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Sinabi naman ni Bishop Varquez na nakatakdang buksan ang Year of the Youth sa kanilang diyosesis sa ika-30 ng Nobyembre, at kasunod nito ay magkakaroon pa ng iba’t-ibang mga pagtitipon para sa mga kabataan hanggang sa una at ikalawang araw ng Disyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 44,675 total views

 44,675 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 119,289 total views

 119,289 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 199,368 total views

 199,368 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 242,507 total views

 242,507 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 240,940 total views

 240,940 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,133 total views

 348,133 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top