Walang ini-endorsong kandidato ang Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Ito ang nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa inilabas na resulta ng Veritas Truth Survey kaugnay sa mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang tunay na Lingkod Bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na layunin ng isinagawang pagsusuri ng Radio Veritas na tulungan ang mga botante sa pagkakaroon ng mga pamantayang nararapat isa-alang-alang sa pagpili ng mga bagong lider ng bayan.

“Sa atin naman ano bang katangian nila as Servant Leader so isang aspekto ito na hinihiling namin sa mga tao na isaalang- alang kapag sila ay bumoto, this is not the only one, isa ito sa maraming mga aspekto na dapat titingnan natin kaya ito yung kontribusyon ng Radio Veritas na matulungan yung mga tao sa wise decision, sabi natin One Good Vote, isa lang ang boto mo sana maayos ang maging boto mo at kaya tinutulungan natin ang mga tao na maiayos nila ang boto nila, so yan po yung dahilan ng pag-si-survey na ito, so ito ay hindi endorsement ng Simbahan para sa kanila, ngunit ito ay tulong ng Simbahan sa mga tao…” pahayag ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin rin ni Bishop Pabillo na hindi kumakatawan sa posisyon ng buong Simbahan ang resulta ng pag-aaral sapagkat tanging ang mga ordinaryong mamamayan ang lumahok sa survey at hindi mga taong Simbahan.

“Gusto kong ipaabot na ito po ay hindi ranking ng Simbahan, ang tinanung ay hindi taong Simbahan, ang tinanung ay hindi mga pari o mga madre, ang tinanung ay mga ordinaryong mga tao ayun sa kanilang perception kaya hindi po ito isang survey na isinusulong ng Simbahan na ito ang botohin niyo, ito ay ginawa sa atin ng Veritas upang matulungan ang mga tao na tingnan ito ng mga kandidato sa iba’t ibang aspect..” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Bukod dito, nilinaw rin ng Obispo na ang mga katangiang ginamit sa isinagawang Veritas Truth Survey ay internationally recognized Servant Leadership Characteristics at hindi gawa-gawa lamang.

Samantala, batay sa Commission on Election Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,819 total reads

 44,819 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,701 total reads

 124,701 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,148 total reads

 158,148 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,446 total reads

 193,446 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,256 total reads

 418,256 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top