Death penalty sa National Security Act, binabantayan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 327 total views

Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang death penalty o ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Ito ang nasasaad sa inaprubahan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pagbabago sa Catechism of the Catholic Church kaugnay sa naaangkop na kaparusahang dapat ipataw ng estado sa mga nagkasala o lumabag sa batas.

Kaugnay nito, mariin din ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Tiniyak ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na puspusan ang pagbabantay ng kumisyon sa anumang tangka ng mga mambabatas na muling maisabatas ang Capital Punishment sa Pilipinas.

Ayon kay Diamante, kabilang sa mga binabantayan ng CBCP-ECPPC ay ang maaring pagpapasok ng parusang kamatayan sa binabalangkas na National Security Act ng mga mambabatas.

“We are monitoring the issue of the Death Penalty, We understand sa House of the Representatives merong ipinapasok na parusang bitay doon sa Security Act kasi merong Bill on National Security Act na parang doon yung parusa sa lalabag doon sa Security Act na yun will be punish by death, so medyo yun sinusubaybayan natin yun, minomonitor…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radio Veritas

Puspusan naman ang pagsusulong ng kumisyon na magkaroon ng pagbabago sa Punitive Mentality na namamayani sa bansa.

Sa pamamagitan ng taon-taong paggunita ng Prison Awareness Week ay umaasa ang Simbahan na mapukaw ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilango sa ating bansa.

Ngayong taon, tema ng 31st Prison Awareness Sunday ang “Lord, that I may See, Hear and Act on the plea for help of Your People”.

Layon nitong maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga bilanggo sa buong bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology, umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa kung saan sa bilang na ito higit sa 31-libo ang nagmula sa National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,251 total views

 38,251 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 112,865 total views

 112,865 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 192,944 total views

 192,944 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,083 total views

 236,083 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 234,872 total views

 234,872 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top