Pangulong Duterte, walang karapatang magbigay kahulugan sa doktrina ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Bawat Santo ng Simbahan ay may nakaraan subalit nagsumikap na sumunod sa turo ni Hesus at makapagbigay aral sa mga nananalig sa Diyos.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ang mga Santo at Banal ay naging saksi sa pagpapala ng Diyos na nagbibigay ng aral sa mga mananampalataya sa kanilang naging pamumuhay sa mundo.

“The Saints are Saints. The Saints are giving a life to witness and maybe ang hindi nagbigay ng magandang aral ‘yan ang baliw,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Ang mensahe ay kaugnay na rin sa pamumula ng Pangulo sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng All Saints at All Souls Day.

Sa pahayag ng Pangulong Duterte sa isang Command Conference sa Isabela tinawag nitong mga lasenggo at baliw ang mga Santo ng mga Katoliko.

Sa panig naman ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na sapat na para ipagdasal ang Pangulo Rodrigo Duterte at ang sambayanang Filipino mula sa pagkakahati-hati.

“We want a Filipino united Filipino ‘yun differences in religion mahalaga lang yung respeto sa isat-isa yung ganun. We don’t want to fight one another,” paliwanag pa ng Obispo.

Ikinalulungkot naman ng Obispo ang pagtawa ng ilan sa mga ganitong uri ng pagbibiro ng Pangulong Duterte, lalu’t ang mga nakapaligid ay pawang mga Kristiyano.

“They don’t see anything offensive about it. Yun ang nakakalungkot tumawa sila. Hindi sila naiiyak dun sa hindi tama. Parang kahit mali, I think that is even worst. You seem to agree. Even if you know deep inside you na hindi naman tama ang sinasabi,” ayon pa kay Bishop Mallari.

Una na ring na ring nanawagan si CBCP vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ipanalangin ang Pangulo at ang sambayanan lalu’t sa katuruan ng simbahan ay maging mapagmalakasakit sa mga may karamdaman.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Cebu Archbishop Jose Palma na hindi isang eksperto o teologo ang Pangulo Duterte para magbigay ng kahulugan sa doktrina ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 64,587 total reads

 64,587 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,126 total reads

 113,126 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,998 total reads

 160,998 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 264,943 total reads

 264,943 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 347,957 total reads

 347,957 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top