Mambabatas, hinikayat ng bumuo ng batas laban sa pagmumura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total views

Hinimok ng Obispo ang mga mambabatas na lumikha ng batas na nagbabawal sa pagsasalita ng bastos at pagmumura lalo na sa pampublikong mga lugar.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico mahalagang mapalakas ang ganitong uri ng batas upang matutuhan ng mga kabataan ang paggamit ng mga angkop na salita na hindi nakakasakit sa kapwa tulad ng pagmumura.

“I would urge them to replicate and implement this kind of ordinances [Anti-Profanity Ordinance] in other places so that through this atleast yung ating mga bata kung may maririnig man sila they would be able to hear good words not bad words,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagpapatupad ng Ordinansa sa Baguio City na Anti-Profanity Ordinance, na nagbabawal sa pagsasalita ng mga bastos na salita at pagmumura sa mga piling institusyon at lugar na madalas pinupuntahan ng mga kabataan.

Iginiit ni Bishop Bendico, bukod sa nasabing ordinansa mahalaga masimulan sa mga tahanan ang pagtuturo sa mga kabataan ng kabutihang asal na nararapat pangunahan ng mga magulang ang paglalahad ng mga magagandang salita at hindi ang pagmumura.

Paliwanag ng Obispo sa ganitong pamamaraan ay mahubog ang kabataan tungo sa mabuting asal lalo na’t may ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang hayagang nagmumura sa publiko na napapanood at naririnig ng mga kabataan.

Nasasaad sa Ordinansa na maaring mapaalis sa eskwelahan ang mga estudyanteng lalabag dito habang hinimok naman ang mga lugar, institusyon at maging ng ilang establisimiyento na madalas pinupuntahan ng mga kabataan na maglagay ng mga post signages bilang pakikikiisa sa kampanya at pagpapatupad ng ordinansa.

Binigyang-diin din dito na ang kalapastangan sa pagsasalita ay nakasisira sa moral at dignidad ng pagkatao na dapat mawakasan bago makasira ng isang indibidwal.

Sa ensiklikal ni Saint John Paul II na Sollicitudo Rei Socialis (SOLLICITUDO REI SOCIALIS) o On Social Concerns, iginiit dito na ipinagkatiwala ng Panginoon sa bawat indibidwal ang pagsusulong sa dignidad ng tao kabilang na dito ang paggalang sa bawat salitang binibitawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,188 total views

 36,188 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 110,802 total views

 110,802 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 190,881 total views

 190,881 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,020 total views

 234,020 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 232,940 total views

 232,940 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top