Veritas Truth Survey, gawing batayan sa ihahalal na servant leader

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total views

Malaki ang maitutulong ng Veritas Truth Survey sa pagsaalang-alang ng mga botante sa pagpili ng ihahalal na kandidato sa May 9 National Elections.

Ito ang ibinahagi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa Veritas Truth Survey Press conference kung saan inihayag ang pulso ng masa batay sa mga katangiang hango sa pagpapakahulugan ni Robert Greenleaf sa Servant-leadership.

“Para sa akin, ang malaking maitutulong nito, sa simbahan mismo ay matulungan ang mga tao na hubugin ang mga mamamayan, lalo na ang mga mamamayang katoliko, para pagpili nila gagamitin talaga nila ito na isang malaking batayan sa pagpili ng mga mamumuno sa atin.” Pahayag ni Bishop Bacani.

Itinuturing din ng Obispo na isang hamon para sa Simbahan na maiangat ang antas ng kaalaman ng publiko sa pagkilatis sa karapat-dapat na pinunong maglilingkod sa bayan sa susunod na anim na taon.

“Ito ay isang hamon din upang ang mga tao ay maiangat natin ang kanilang antas ng kaalaman, pagpili, pagkilatis sa mga tao, ating iwan yung mga dating pamamaraan na alam natin na talagang hindi sapat at isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang ating kinasadlakan.” Dagdag ng Obispo.

Umaasa si Bishop Bacani na sa tulong ng Veritas Truth Survey, mapatitingkad ang tunay na kahulugan ng Servant-leadership na unang ipinamalas ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng kanyang pagkakawanggawa, at paglilingkod sa mga mahihirap.

Sa pinakahuling V-T-S, nanguna si Grace Poe sa limang kandidatong presidente batay sa 10-katangian ng isang servant leader; listening, emphaty, healing, awareness, persuaion, conceptualization, foresight, stewardship, commitment to the growth of the people,at building community na nakakuha ng 59-percent ng 1,200 respondents.

Pumangalawa si Senador Miriam Defensor Santiago, tabla sa ikatlong puwesto Mayor Rodrigo Duterte at Senador Mar Roxas at pang-apat si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 41-percent.

Paulit-ulit namang hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang may 54.6 na milyong botante sa bansa na gamitin ng tama ang kanilang karapatan sa pagboto dahil isa itong mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 15,352 total views

 15,352 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 37,357 total views

 37,357 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 61,699 total views

 61,699 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 85,640 total views

 85,640 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 120,293 total views

 120,293 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,360 total views

 302,360 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top