Clergy and Consecrated Persons, bibigyang pugay ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Makahulugan para sa Diocese of Malolos ang naging pagdiriwang ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.

Ayon kay Msgr. Pablo Legaspi, Jr., Vicar General ng Diyosesis, masakit na pangyayari ang pinagdaanan ng buong diyosesis sa pagpanaw ni Bishop Jose Oliveros.

Gayunman sinabi ni Msgr. Legaspi na isang biyaya din na agad na pinagkalooban ng Apostolic Administrator ang diyosesis sa katauhan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

Naniniwala si Msgr. Legaspi na sa pinagdaanan ngayong taon ng mga pari ng Malolos ay lalong napagtibay ang samahan at pananampalataya ng bawat isa, gayun din ang pagsuporta sa kanilang kapwa pari, at mga kasamahang relihiyoso at relihiyosa.

Kaugnay nito, sa nalalapit na pagtatapos ng taon ng liturhiya ng simbahan magsasagawa ng pagdiriwang ang Diocese of Malolos upang magkatipon-tipon ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Sinabi ni Msgr. Legaspi na isa din itong magandang pagkakataon upang mabigyang pugay at pasasalamat ang natatanging ambag hindi lamang ng mga pari kun’di maging ang mga taong nagtalaga ng sarili sa Panginoon.

Aniya, malaking tulong ang mga religious congregations sa pagbibigay ng katesismo sa mga parokya at paaralang nasasakupan ng kanilang diyosesis.

“Kung minsan nakakalimutan na itong taon na ito hindi lang taon ng mga pari, taon din ito ng mga namamanata sa Diyos. Sa amin sa Diocese, we have to recognize na yung mga consecrated persons, mga men and women religious natin. Kasama sila sa misyon ng simbahan at malaking bahagi ng misyon sa mga apostolado nila, social apostolate at lalong lalo na evangelization to school apostolates,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Legaspi sa Radyo Veritas.

Ngayong biyernes, ika-23 ng Nobyembre gaganapin ang pagdiriwang para sa closing ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ng Diocese of Malolos sa Malolos Sports and Convention Center.

Samantala, pinasalamatan din ni Msgr. Legaspi ang mga layko na tumulong sa pag-oorganisa ng pagtitipon para sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Sa tala, ang Diocese of Malolos ay mayroong 108 mga parokya, habang umaabot naman sa 3.8milyon ang populasyon ng mga mananampalatayang nasasakupan nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 77,581 total reads

 77,581 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,247 total reads

 125,247 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,118 total reads

 173,118 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,065 total reads

 277,065 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 359,549 total reads

 359,549 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,447 total reads

 42,447 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,324 total reads

 35,324 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top