Mining companies, pinagbabayad sa pinsalang dulot sa lalawigan ng Zambales

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total reads

Ikinatuwa ng mga mamamayan ng Zambales ang ibinabang kasunduan sa pagdinig na isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan noong ika-19 ng Nobyembre, kaugnay sa pagkasirang dinulot ng pagmimina sa lalawigan.

Ayon kay Benito Molino, pinuno ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales o CCOS, napagkasunduan na dapat bayaran ng mga mining companies ang lahat ng naperwisyong mamamayan sa mga bayan ng Sta. Cruz at Candelaria, sa Zambales.

Ang mga naperwisiyo ay dapat gumawa ng salaysay hinggil sa mga napinsala sa kanila, kailan ito naganap, paano napinsala, sino o ano ang nakapinsala at kung magkano ang pagkasira.

Ang dokumento ay isusumite sa CCOS at ang grupo naman ang naatasang mag-akyat ng mga dokumento sa komite bago ang ika-10 ng Disyembre 2018.

Kabilang sa mga hinihikayat na magbigay ng salaysay ay ang mga magsasaka, mangingisda, may-ari ng mga palaisdaan at mga komunidad na mayroong sira-sirang kalsada dahil sa mga truck na ginagamit sa pagmimina.

Bukod dito, kasama din sa kasunduan ang pagsasaayos at rehabilitasyon na kinakailangang gawin ng mga mining companies sa mga bundok kabilang na ang Cabaluan Watershed, streams o daluyan ng tubig hanggang sa karagatan, mga nasirang corals o bahura, mga natabunang bukirin at mga palaisdaan.

Umaasa naman ang grupo na mabilis na mailalabas ng Sangguniang Lalawigan ng Zambales ang ordinansa o resolusyon na tuluyan nang magbabawal sa pagmimina sa buong lalawigan.

“Susuportahan daw nila yung dapat wala nang pagmimina, so ito ay either resoluion o ordinansa. Pero, mas gusto po natin dito ay maging ordinansa upang sa ganun ay masuportahan yung ipinasang ordinansa ng isang bayan ng Candelaria na bawal na ang pagmimina sa kanilang bayan, at sana nga po ay ito’y matatag at maging pamasko ng ating panlalawigan sa mga kababayan at sa buong Zambales.” pahayag ni Molino

Ang pagdinig na isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan ng Zambales noong ika-19 ng Nobyembre ay dinaluhan ng mahigit sa 100 mamamayan, at kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau Region III, Environmental Management Bureau Region III, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, mga kumpanya ng minahan na Benguet Nickel Mines, Inc. (BNMI), Eramen Minerals, Inc. (EMI), LNL Archipelagic Minerals, Inc., at ZDMC/DCMI.

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang gawain ng mga kumpanya ng minahan, dahil aniya, nakadaragdag lamang ito sa lalo pang paghihirap ng mamamayan sa komunidad na apektado ng pagmimina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 73,631 total reads

 73,631 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,507 total reads

 121,507 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 169,378 total reads

 169,378 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 273,325 total reads

 273,325 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,985 total reads

 355,985 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,349 total reads

 42,349 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,227 total reads

 35,227 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top