Mamamayan, inalerto ng Diocese of Surigao sa pananalasa ng bagyong Samuel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Ipinagdarasal ng Obispo ng Surigao ang kaligtasan ng mamamayan sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Samuel.

Ayon kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog, bagamat hindi pa ramdam sa lalawigan ang epekto ng bagyo hinimok nito ang bawat mamamayan na maging alerto.

“We always pray for the Lord’s protection in this times especially natural calamities,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cabajog sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo na nakahanda ang kanilang Diyosesis sa pangunguna ng Diocesan Social Action Center na tumugon sa mga apektadong mamamayan.

“In place lang tayo all the time because our Diocesan Social Action Centers at Parish Social Action Centers everything, all operation anytime and anything happens everything is already prepared,” dagdag ni Bishop Cabajog.

Batay sa forecast ng PAGASA, tinatahak ng bagyong Samuel ang Silangang bahagi ng Visayas at rehiyon ng CARAGA at inaasahang tatama sa kalupaan sa mga lugar ng Samar-Leyte-Dinagat island area Martes ng gabi.

Binigyang diin ni Bishop Cabajog na kaakibat ng mga paghahanda ay marapat ding buo ang pagtitiwala sa Panginoon sa lahat ng oras dahil ito ang bukod tanging tagapagligtas ng sanlibutan.

“We ask everbody to be alert and always trust the help and the blessing of the Father to keep us always in His care and protection.” pahayag ng Obispo

Magugunitang noong nanalasa ang bagyong Yolanda, limang taon ang nakalipas bagamat walang nasawi ay maraming kabahayan at ari-arian sa Surigao del Norte ang nasira partikular sa Dinagat Island.

Nakahanda naman ang Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidyosesis ng Maynila sa pag-agapay sa mga mamamayang nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad bilang pakikiisa at pagsasabuhay sa layunin ng Simbahang Katolika na handang dumamay sa nangangailangan.

Ang Diyosesis ng Surigao ay binubuo ng mahigit 90 porsiyento na mga Katoliko sa kabuuang populasyon na pingangasiwaan ng 70 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,846 total views

 58,846 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,460 total views

 133,460 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,539 total views

 213,539 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,678 total views

 256,678 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,276 total views

 254,276 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top