Clergy and Consecrated Persons, bibigyang pugay ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Makahulugan para sa Diocese of Malolos ang naging pagdiriwang ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.

Ayon kay Msgr. Pablo Legaspi, Jr., Vicar General ng Diyosesis, masakit na pangyayari ang pinagdaanan ng buong diyosesis sa pagpanaw ni Bishop Jose Oliveros.

Gayunman sinabi ni Msgr. Legaspi na isang biyaya din na agad na pinagkalooban ng Apostolic Administrator ang diyosesis sa katauhan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

Naniniwala si Msgr. Legaspi na sa pinagdaanan ngayong taon ng mga pari ng Malolos ay lalong napagtibay ang samahan at pananampalataya ng bawat isa, gayun din ang pagsuporta sa kanilang kapwa pari, at mga kasamahang relihiyoso at relihiyosa.

Kaugnay nito, sa nalalapit na pagtatapos ng taon ng liturhiya ng simbahan magsasagawa ng pagdiriwang ang Diocese of Malolos upang magkatipon-tipon ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Sinabi ni Msgr. Legaspi na isa din itong magandang pagkakataon upang mabigyang pugay at pasasalamat ang natatanging ambag hindi lamang ng mga pari kun’di maging ang mga taong nagtalaga ng sarili sa Panginoon.

Aniya, malaking tulong ang mga religious congregations sa pagbibigay ng katesismo sa mga parokya at paaralang nasasakupan ng kanilang diyosesis.

“Kung minsan nakakalimutan na itong taon na ito hindi lang taon ng mga pari, taon din ito ng mga namamanata sa Diyos. Sa amin sa Diocese, we have to recognize na yung mga consecrated persons, mga men and women religious natin. Kasama sila sa misyon ng simbahan at malaking bahagi ng misyon sa mga apostolado nila, social apostolate at lalong lalo na evangelization to school apostolates,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Legaspi sa Radyo Veritas.

Ngayong biyernes, ika-23 ng Nobyembre gaganapin ang pagdiriwang para sa closing ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ng Diocese of Malolos sa Malolos Sports and Convention Center.

Samantala, pinasalamatan din ni Msgr. Legaspi ang mga layko na tumulong sa pag-oorganisa ng pagtitipon para sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa.

Sa tala, ang Diocese of Malolos ay mayroong 108 mga parokya, habang umaabot naman sa 3.8milyon ang populasyon ng mga mananampalatayang nasasakupan nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 421 total views

 421 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,782 total views

 25,782 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,410 total views

 36,410 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,431 total views

 57,431 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,136 total views

 76,136 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 159,469 total views

 159,469 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 103,315 total views

 103,315 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top