Alisin ang karukhaan sa lipunan

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Ito ang pangunahing layunin ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila na lumilikha ng mga programang makatutugon sa lumalalang kahirapan sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, malaki ang ginagampanan ng Caritas Margins, sa pagtugon sa kahirapan sa pamamagitan ng paglikha ng mga negosyo at hanapbuhay na makatutulong sa mga mahihirap sa lipunan.

“Itong ginagawa ng [Caritas] Margins nagde-develop ng mga mangangalakal at negosyo ay isang napakagandang pamamaraan upang tayo talaga ay magkaroon ng poverty eradication,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Iginiit ng Pari na mas kinakailangan ngayon ng Pilipinas ang maraming negosyo upang mapigilan ang mga Filipinong nangingibang bansa na batay sa tala ay higit sa 5, 000 ang umaalis araw-araw upang makipagsapalaran at maghanapbuhay sa ibayong dagat.

Ayon kay Fr. Pascual, kung may pagkakakitaan ang mamamayan dito sa bansa ay mas pipiliin nitong mananatili dito kapiling ang mga mahal sa buhay.

“Kung lalago ang negosyo at mag eempleyo ito ng mga kapitbahay, hindi umaalis ang mga Filipino sa ating bansa,” dagdag ni Fr. Pascual.

Batay sa Apostolic Exhortation na Evangelii Gaudium binigyang diin ni Pope Francis na ang hindi pagkakapantay pantay ay ang ugat ng panlipunang suliranin at lalong nagpapalubha sa kahirapan na dinadanas ng mamamayan.

Tampok sa Caritas Margins Expo ang mga produktong gawa ng mga komunidad ng maralitang tagalunsod, mga bilanggo at mga katutubo na tinutulungang maipakilala sa publiko.

Kasalukuyang tinutulungan ng Caritas Margins ang mahigit sa 1, 500 mga maliliit na negosyante sa buong Pilipinas upang mas lalong lumago ang kanilang negosyo at magkaroon ng sapat na hanapbuhay ang mga Filipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,080 total views

 2,080 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,890 total views

 39,890 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,104 total views

 82,104 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,639 total views

 97,639 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,763 total views

 110,763 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,212 total views

 14,212 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top