Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, pinangunahan ang tree planting sa Brookes Point

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 343 total views

Pinangunahan ni Bishop Socrates Messiona, Obispo ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, ang dalawang araw na tree planting activity sa Brookes Point, Palawan noong ika-19 hanggang 20 ng Nobyembre,2018.

Kasama ni Bishop Messiona sa pagtatanim ng mga puno ang lokal na tribong naninirahan dito na mga Palaw’an, at mga Agustinian Missionaries of the Philippines Indigenous Peoples Mission.

Bago pa ito, nakapagtanim na ng halos 2,000 mga puno ang simbahan ng Puerto Princesa sa Sitio Sagpake’n, Barangay Mainit at Sitio Bayog, Aribungos na bahagi ng Mount Matalingahan na isang protected landscape at kinapapalooban din ng ancestral domain.

Ang programang ito ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ay naglalayong makapagtanim ng 10,000 mga puno bilang pagtugon sa hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical nitong Laudato Si.

Read: Pagpapanagot sa mining company na kumalbo sa Brooke’s Point, suportado ng Simbahan

Matatandaang noong Mayo 2017 ikinagulat ng lahat ang iligal na pagputol ng Ipilan Nickel Corporation sa 15,000 mga puno na nakasasakop sa 10-hektaryang natural forest.

Ito ay sa kabila ng kanseladong Environmental Compliance Certificate ng kumpanya.

Kabilang sa mga pinutol na puno dito ay mga century old trees.

Sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, kinokondena nito ang kawalang katarungang ginagawa ng mayayamang kumpanya ng minahan sa mahihirap na komunidad, dahil lalo lamang itong nagdadagdag ng pasakit sa mga mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 69,404 total views

 69,404 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 193,815 total views

 193,815 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 235,596 total views

 235,596 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 312,035 total views

 312,035 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 315,206 total views

 315,206 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top