Cardinal Quevedo, nagbabala laban sa scammers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Nagbabala ang isang lider ng Simbahang Katolika sa Mindanao kaugnay sa kumakalat na sulat na humihingi ng donasyon.

Ayon kay Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, ginamit ang kaniyang pangalan sa panghihingi ng mga donasyon sa mga mananampalataya.

“To all the people listening to Radio Veritas Manila, I would like to warn you of a scam that has been victimizing some people that consists of using a letter which is supposed to have been signed by me as Cardinal and asking for various donations,” pahayag ni Kardinal Quevedo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Kardinal, hindi ito ang unang beses na ginamit ang kaniyang pangalan sa panloloko sapagkat sa mga naunang insidente noon ginamit na ito sa paghingi ng donasyon para sa pagpapagawa ng tabernakulo sa retirement home ng mga pari ng Arkidiyosesis ng Cotabato at para sa scholarship ng mga seminarista ng Marbel seminary.

Paalala ni Kardinal Quevedo sa mananampalataya na huwag basta-bastang naniniwala sa mga humihingi ng donasyon lalo na sa social media para makaiwas sa panloloko.

Batay sa tala ng Philippine National Police noong 2015 umabot sa 1, 211 ang mga kaso ng online scam ang iniimbestigahan.

Mas dumarami ang naitatalang panloloko online lalu’t sa Pilipinas ay naitala ng Digital 2018 report ng Hootsuite na mahigit sa 60 milyong Filipino ang aktibo sa internet partikular sa social media at naglalaan pa ito ng halos sampung oras sa isang araw para dito.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Cardinal Quevedo ang bawat isa na tiyaking makatotohanan ang mga natatanggap na sulat o mga nababasa online lalo na kung may kinalaman sa pera.

“To be very sure about any appeal for help in my name be sure to contact us first, the office of the Archbishop and ask for any of the priest to verify whether it is true or not.” Panawagan ng Kardinal sa Radio Veritas

Nagbabala na rin ang Kardinal sa iba pang mga Obispo sa Pilipinas upang maging alerto sa masamang gawain gamit ang pangalan ng mga lider ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 5,169 total reads

 5,169 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 104,974 total reads

 104,974 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 188,004 total reads

 188,004 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 282,335 total reads

 282,335 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 343,837 total reads

 343,837 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top