Pagbubukas ng “Year of the Youth”, pangungunahan ni Papal Nuncio at Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total views

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia ang misa para sa 9th Central Luzon Youth Pilgrimage (CLYP) na magsisimula sa ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre.

Tampok sa pagdiriwang ang pag-akyat ng mga kabataan sa makasaysayang Mt. Samat sa Bataan kasama si Archbishop Caccia.

Sa ulat ni Radyo Veritas Cultural advocate Fr. Ronnie Fernando, higit sa 500 kabataan ang magtitipon sa pagdiriwang na pawang delegado mula sa diyosesis ng Iba, Cabanatuan, Balanga, Malolos, San Jose, Tarlac at San Fernando.

Tema ng apat na araw na pagtitipon ang ‘Panginoon, narito ang lingkod Mo suguin Mo ako’.

Ang Central Luzon Youth Pilgrimage ay unang isinagawa sa Archdiocese ng San Fernando noong 1997 at ngayong taon ang Diocese ng Balanga, Bataan ang punong abala sa pagtitipon ng mga kabataan kasabay na rin ng pagbubukas ng ‘Year of the Youth.

‘Year of the Youth’

Sa huling araw ng pagtitipon, pangungunahan naman ni Bishop Leopoldo Jaucian, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth ang misa para sa opisyal na pagbubukas ng ‘Year of the Youth’.

Ngayong Disyembre, ipagdiriwang ng simbahan ng mga Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ na may temang ‘Filipino Youth Mission: Beloved, Gifted, Empowered.

Sa Manila, pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa alas-5 ng umaga sa Guadalupe Minor Seminary.

‘One Mission’

Pormal na ring inilabas ng CBCP ang official theme song ng ‘Year of the Youth’ na may titulong ‘One Mission’ na likha at isinulat ni Gino Paulo Buizon na mula sa Archdiocese ng Capiz.

Sa awitin, binigyan diin ang mahalagang bahagi ng Kabataan bilang tagapangasiwa sa mga likha ng Panginoon, paglilingkod sa kapwa na siyang magpapabago sa mundo sa kabila ng mga hamon ng kasalukuyan.

Sa tala, mula sa higit 80 milyong katoliko sa buong Pilipinas may 20 porsiyento rito ang bilang ng mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

Ang ‘Year of the Youth’ ang ikapito sa mga temang inilahad ng CBCP, upang maihanda ang mga mananampalataya sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,809 total views

 28,809 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,423 total views

 103,423 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,502 total views

 183,502 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,641 total views

 226,641 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,996 total views

 225,996 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top