Colegio Del Sagrado Corazon De Jesus, kampeon ng Saint Paul National Bible Quiz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Ikinalugod ni Father John Klen Malificiar, SSP –Project Coordinator ng Saint Paul National Bible Quiz (SPNBQ) ang patuloy na paglawak ng bunga ng taunang pagsasagawa nito.

Ayon sa pari, kakaibang kagalakan ang hatid sa kanila ng mga pagninilay na mula sa mga bata at mga guro na kalahok sa Bible quiz.

Aniya, isang tagumpay para sa mga pari at madre na nangangasiwa sa SPNBQ ang paglalim ng pananampalataya at paglawak ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng patimpalak na kanilang isinasagawa.

“Yung bible quiz ay hindi lang siya isang ordinary quiz, the quiz is about learning studying the word of God kaya kailangan ang challenge sa kanila is paano din sila magiging modelo sa kapwa nila estudyante sa mga schoolmates nila. Ito na yung tinatawag natin na effect ng evangelization, unquantifiable result ng bible quiz for the past 8 years.” pahayag ni Father Malificiar sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Evangeline Hertez – Coach ng Naga Parochial School sa Bicol Region ang SPNBQ dahil sa binhi ng ebanghelyo na naipupunla sa kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Hertez, ang Bible quiz ang nagsisilbing tagapaghubog ng mga kabataang lumalahok dito, upang maging responsableng mananampalataya na nagbabahagi din ng mga turo ng Panginoon sa kanilang kapwa kabataan.

“I’m thankful with the bible quiz kasi it becomes a formation to them, naisasabuhay ng mga bata kung ano yung napag-aaralan nila. Nagpapasalamat ako kasi it’s a kind of experience na hindi lahat [ng bata]nakakaexpereince, so I thank God for this gift. It is not just a contest it’s a mission God is asking you for something that you need to do.” pahayag ni Hertez sa Radyo Veritas.

Noong ika-25 ng Nobyembre, ginanap ang Battle of the Champions ng SPNBQ sa SM Mall of Asia Pasay City.

Mula sa 646 na grupong lumahok sa paligsahan ay natira ang labindalawang kupunan na nagtagisan para sa kampeonato.

Hinirang na kampeon ngayong taon ang Colegio Del Sagrado Corazon De Jesus na nagmula pa sa Western Visayas Region.

Ngayong 2018 ang ika-9 na taong pagsasagawa ng Saint Paul National Bible Quiz.

Hinihimok naman ni Father Malificiar ang iba pang mga paaralan at mga parokya na makiisa sa darating na ika-10 taon ng SPNBQ kung saan inaasahang gagawing mas espesyal ang paligsahan dahil na rin sa pagdiriwang ng Year of the Youth, at bilang paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,609 total reads

 72,609 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,549 total reads

 120,549 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,420 total reads

 168,420 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,367 total reads

 272,367 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,061 total reads

 355,061 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,320 total reads

 42,320 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,198 total reads

 35,198 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top