VeritasPH

The Word, The Truth

Simbahan, tutol sa Organ Donor Act

SHARE THE TRUTH

 272 total views

Nanindigan ang Simbahang Katolika na nararapat pahalagahan ang buhay at katawan ng tao sapagkat dito nananahan ang Banal na Espiritu.

Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines hinggil sa panukalang Organ Donor Act na isinusulong ni Senator Richard Gordon.

Batay sa panukala, otomatikong kukunin ang mga mapapakinabangang internal organ ng tao kung idineklarang braindead ang pasyente.

“We consider the human body as the temple of the Holy Spirit, so hindi mo talaga puwedeng basta-basta kunin mo lang kung ano yung mga bahagi ng tao. That’s going to be considered as mutilation, dismembering their body so hindi ‘yan pinahihintulutan ng Simbahan,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na ang braindead na tao ay hindi itinuturing na patay ng Simbahan sapagkat naniniwala ito sa posibilidad na maaring mabuhay sa tulong ng mga panalangin at himala ng Panginoong Diyos.

Pinangangambahan ni Father Secillano ang kahihinatnan kapag nakukuha ang mga viable organ ng tao kung ito ba ay nasasalin sa tamang mga pasyente dahil maaari itong pagkakakitaan ng mga mapagsamantalang indbidwal.

ELUANA ENGLARO CASE SA ITALY
Ibinahagi ni Father Secillano ang kaso ni Eluana Englaro sa Italya na na-comatose matapos maaksidente habang nagmamaneho ng sasakyan noong 1992.

Ninais ni Beppino Englaro, ang ama ng biktima na payagan ng pamahalaan na mabigyang karapatan ang anak na mamahinga dahil sa kawalang pag-asa na mabuhay subalit mariin itong tinutulan ng Simbahang Katolika sa Vatican dahil labag ito sa kautusan ng Panginoon at pinangangambahang tuluyang maisabatas ang Euthanasia o mercy killing.

Sa pahayag ni Englaro, iginiit nitong habilin ni Eluana na kapag dumating ang sitwasyong mag-aagaw buhay ito ay pipiliin nitong mamamahinga subalit hindi ito kinatigan ng korte sa loob ng 17 taon.

Ipinaliwanag ni Cardinal Javier Lozano Barragán, tagapagsalita ng Vatican hinggil sa pangkalusugan na ang pag-alis sa feeding tube na bumubuhay kay Eluana ay hindi makatao at maituturing na pagpaslang.

Ang kaso ni Eluana Englaro ay nagdulot ng pagkakahati-hati ng ilang mambabatas ng Italya at Vatican dahil sa magkakasalungat na pananaw at paniniwala.

Pebrero 2009 nang tuluyang pumanaw si Eluana makaraang alisin ang feeding tube sa isang pribadong klinika sa Udine, Italy ang bukod tanging tumulong mabigyang karapatang mamatay ang pasyente.

ORGAN DONATION
Nilinaw naman ni Father Secillano na ang pagdo-donate ng mga organ tulad ng mata at kidney ay kinokonsidera ng Simbahang Katolika lalo na kung ito ay makatutulong para madugtungan ang buhay ng isang tao.

“Organ donation is okay in some other instances katulad nga ng makakapag extend ng buhay as long as hindi ka naman maapektuhan,” ani ni Fr. Secillano.

Nilinaw ng Veritasan Program host na dapat isaalang-alang ang sariling pangangatawan bago mag-donate sa iba dahil kung ito ay makasasama sa sariling katawan ay hindi ito pinahihintulutan ng Simbahan dahil maituturing itong suicide.

Dahil dito nanawagan si Fr. Secillano sa mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagbabalangkas ng batas lalo na kung ito ay may kinalaman sa buhay ng tao upang mapapanatili ang pagtataguyod at paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal.

Hinimok pa ng Pari ang mga mambabatas na sumangguni sa iba’t-ibang grupo o institusyon kabilang na ang Simbahang Katolika sa pagbuo ng mga panukala upang magkaroon ng linaw ang direksyon ng batas.

Batay sa tala ng National Kidney and Transplant Institute nasa 25,000 ang mga pasyenteng nangangailangan ng kidney transplant subalit 500 lamang ang mga donors.

Matatandaang sa ensiklikal ni Pope Paul VI na Humane Vitae na inilathala noong ika – 25 ng Hulyo 1968, iginiit nitong dapat magkaisa ang bawat mananampalataya sa paninindigan sa paggalang sa buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan ng tao.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,953 total views

 11,953 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,998 total views

 19,998 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,078 total views

 25,078 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,785 total views

 30,785 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,573 total views

 39,573 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 2,521 total views

 2,521 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 2,529 total views

 2,529 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,081 total views

 3,081 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,113 total views

 3,113 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,157 total views

 4,157 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,300 total views

 4,300 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,307 total views

 4,307 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 4,611 total views

 4,611 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 6,990 total views

 6,990 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,506 total views

 7,506 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,221 total views

 8,221 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,059 total views

 11,059 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 12,843 total views

 12,843 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,405 total views

 13,405 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 13,456 total views

 13,456 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top