Colegio Del Sagrado Corazon De Jesus, kampeon ng Saint Paul National Bible Quiz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total views

Ikinalugod ni Father John Klen Malificiar, SSP –Project Coordinator ng Saint Paul National Bible Quiz (SPNBQ) ang patuloy na paglawak ng bunga ng taunang pagsasagawa nito.

Ayon sa pari, kakaibang kagalakan ang hatid sa kanila ng mga pagninilay na mula sa mga bata at mga guro na kalahok sa Bible quiz.

Aniya, isang tagumpay para sa mga pari at madre na nangangasiwa sa SPNBQ ang paglalim ng pananampalataya at paglawak ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng patimpalak na kanilang isinasagawa.

“Yung bible quiz ay hindi lang siya isang ordinary quiz, the quiz is about learning studying the word of God kaya kailangan ang challenge sa kanila is paano din sila magiging modelo sa kapwa nila estudyante sa mga schoolmates nila. Ito na yung tinatawag natin na effect ng evangelization, unquantifiable result ng bible quiz for the past 8 years.” pahayag ni Father Malificiar sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Evangeline Hertez – Coach ng Naga Parochial School sa Bicol Region ang SPNBQ dahil sa binhi ng ebanghelyo na naipupunla sa kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Hertez, ang Bible quiz ang nagsisilbing tagapaghubog ng mga kabataang lumalahok dito, upang maging responsableng mananampalataya na nagbabahagi din ng mga turo ng Panginoon sa kanilang kapwa kabataan.

“I’m thankful with the bible quiz kasi it becomes a formation to them, naisasabuhay ng mga bata kung ano yung napag-aaralan nila. Nagpapasalamat ako kasi it’s a kind of experience na hindi lahat [ng bata]nakakaexpereince, so I thank God for this gift. It is not just a contest it’s a mission God is asking you for something that you need to do.” pahayag ni Hertez sa Radyo Veritas.

Noong ika-25 ng Nobyembre, ginanap ang Battle of the Champions ng SPNBQ sa SM Mall of Asia Pasay City.

Mula sa 646 na grupong lumahok sa paligsahan ay natira ang labindalawang kupunan na nagtagisan para sa kampeonato.

Hinirang na kampeon ngayong taon ang Colegio Del Sagrado Corazon De Jesus na nagmula pa sa Western Visayas Region.

Ngayong 2018 ang ika-9 na taong pagsasagawa ng Saint Paul National Bible Quiz.

Hinihimok naman ni Father Malificiar ang iba pang mga paaralan at mga parokya na makiisa sa darating na ika-10 taon ng SPNBQ kung saan inaasahang gagawing mas espesyal ang paligsahan dahil na rin sa pagdiriwang ng Year of the Youth, at bilang paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 27,200 total views

 27,200 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 101,814 total views

 101,814 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 181,893 total views

 181,893 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 225,032 total views

 225,032 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 224,488 total views

 224,488 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,761 total views

 347,761 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top