Pagdakip sa National Solidarity Mission delegate, iniimbestigahan ng Diocese of Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Sinisiyasat ng Diocese of Tagum ang nangyaring pagdakip sa 75 delegado ng National Solidarity Mission sa Talaingod, Davao del Norte.

Sa mensaheng ipinaabot ni Bishop Medel Aseo, Obispo ng Diocese of Tagum, kay Father Levi Mantica, sinabi nitong nais tukuyin ng simbahan ang pinag-ugatan ng nangyaring pagdakip at pag-detain sa National Solidarity Mission team.

Ayon kay Father Mantica, sa kasalukuyan ay nananatili sa Talaingod ang Parish Priest na si Fr. Melvin de la Cuesta ng Sto. Niño Parish-Talaingod upang alamin ang mga nangyari.

Maglalabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis pagkatapos ng kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Nangako din ang Diyosesis na nakahanda itong tumulong sa oras na matukoy ang partikular na sitwasyon at pangangailangan ng mga hinuling delegado ng National Solidarity Mission.

Sa inisyal na ulat mula mismo sa ilang miyembro ng National Solidarity Mission team, sinabi nitong kabilang sa mga dinakip ng Talaingod-PNP ay mga estudyanteng lumad, mga guro, kinatawan ng simbahan at kasama din dito si ACT Teachers Partylist Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Samantala, sa pamamagitan naman ng Radyo Veritas ay nagpahayag ng panawagan si Kerlan Fanagel, pinuno ng PASAKA Confederation of Lumad Organizations in Southern Mindanao sa simbahan at sa lahat ng sektor ng lipunan na maging mapagmatyag sa mga ganitong insidente lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Umaapela din ng tulong si Fanagel sa Simbahan upang agad na mapalaya at makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga estudyanteng lumad.

“Ang ating panawagan ngayon sa lahat ng mga sektor sa mga taong simbahan, kay Bishop Pabillo at kay Cardinal Tagle nananawagan po kami at sa iba pang mga Bishops ng mga simbahan tulungan po ang ating mga kapatid na lumad, mga kabataang estudyante na ngayon ay dine-deny ang kanilang karapatan sa edukasyon at ang mga lumad schools ay sapilitang ipinasara,” pahayag ni Fanagel sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 85,337 total reads

 85,337 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 132,512 total reads

 132,512 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 180,383 total reads

 180,383 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 284,331 total reads

 284,331 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 366,543 total reads

 366,543 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,587 total reads

 42,587 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,463 total reads

 35,463 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top