Tulungan at ipagdasal ang mga inuusig na Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total views

Pinangunahan ni Rev. Fr. Teresito Soganub, Vicar General ng Prelatura ng Marawi ang pagdiriwang ng Red Wednesday campaign sa Manila Cathedral kahapon alas sais y medya ng gabi.

Sa banal na Misa, ibinahagi ng pari sa mananampalataya ang kaniyang karanasan sa pagiging bihag ng mga teroristang Maute-ISIS sa loob ng 117 araw.

Bunsod nito, iginiit ni Fr. Soganub na mas lalong tumibay ang kaniyang pananalig sa Panginoon sa kabila ng hirap na kanyang dinanas sa kamay ng mga terorista.

“Na touch yung buhay ko, yung sarili ko na mahirap ang persecution, at kahit mahirap yun din ang nag-purify ng mga sarili natin. At higit sa lahat sa persecution na dinaan ko dun ko nalaman na kung ikaw pala ay isang persecuted person because of your faith, ikaw ay mahal ng Panginoon dahil dumaan ka sa pinagdaan n’ya sa passion of the cross, sa kan’yang death on the cross.” pahayag ni Father Soganub sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan din ang pari sa mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Inihayag ng Pari na marapat na ipalaganap sa lahat ng mga Kristiyano ang kamalayan patungkol sa mga persecuted Christian upang mas marami pa ang makapag-alay ng panalangin.

“Ipaalam natin sa kanila na sa ibang bahagi ng mundo, may mga Kristiyano na persecuted kaya sa pagkakaisa sa kanila, hindi tayo persecuted, ipagdasal natin sila at makikiisa tayo sa kanila. Kung anong tulong na kailangan nila tulungan din natin sila dahil sa persecution dun natin makikita ang malalim at matamis na kahulugan ng pagka Kristiyano.” Dagdag pa ng Pari.

Ngayong taon nasa 1,300 ang bilang ng mga simbahan at paaralan sa ilalim ng 38 Diyosesis/Arkidiyosesis sa buong Pilipinas ang nakilahok sa ginanap na Red Wednesday Campaign.

Ito din ang ikalawang pagkakataon na isinagawa sa Pilipinas ang naturang kampanya bilang pagbibigay pugay sa mga Kristiyanong nag-alay ng buhay para sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 27,295 total views

 27,295 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 101,909 total views

 101,909 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 181,988 total views

 181,988 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 225,127 total views

 225,127 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 224,576 total views

 224,576 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,771 total views

 347,771 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top