Pagdakip sa National Solidarity Mission delegate, iniimbestigahan ng Diocese of Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total views

Sinisiyasat ng Diocese of Tagum ang nangyaring pagdakip sa 75 delegado ng National Solidarity Mission sa Talaingod, Davao del Norte.

Sa mensaheng ipinaabot ni Bishop Medel Aseo, Obispo ng Diocese of Tagum, kay Father Levi Mantica, sinabi nitong nais tukuyin ng simbahan ang pinag-ugatan ng nangyaring pagdakip at pag-detain sa National Solidarity Mission team.

Ayon kay Father Mantica, sa kasalukuyan ay nananatili sa Talaingod ang Parish Priest na si Fr. Melvin de la Cuesta ng Sto. Niño Parish-Talaingod upang alamin ang mga nangyari.

Maglalabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis pagkatapos ng kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Nangako din ang Diyosesis na nakahanda itong tumulong sa oras na matukoy ang partikular na sitwasyon at pangangailangan ng mga hinuling delegado ng National Solidarity Mission.

Sa inisyal na ulat mula mismo sa ilang miyembro ng National Solidarity Mission team, sinabi nitong kabilang sa mga dinakip ng Talaingod-PNP ay mga estudyanteng lumad, mga guro, kinatawan ng simbahan at kasama din dito si ACT Teachers Partylist Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Samantala, sa pamamagitan naman ng Radyo Veritas ay nagpahayag ng panawagan si Kerlan Fanagel, pinuno ng PASAKA Confederation of Lumad Organizations in Southern Mindanao sa simbahan at sa lahat ng sektor ng lipunan na maging mapagmatyag sa mga ganitong insidente lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Umaapela din ng tulong si Fanagel sa Simbahan upang agad na mapalaya at makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga estudyanteng lumad.

“Ang ating panawagan ngayon sa lahat ng mga sektor sa mga taong simbahan, kay Bishop Pabillo at kay Cardinal Tagle nananawagan po kami at sa iba pang mga Bishops ng mga simbahan tulungan po ang ating mga kapatid na lumad, mga kabataang estudyante na ngayon ay dine-deny ang kanilang karapatan sa edukasyon at ang mga lumad schools ay sapilitang ipinasara,” pahayag ni Fanagel sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,011 total views

 29,011 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,625 total views

 103,625 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,704 total views

 183,704 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,843 total views

 226,843 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,184 total views

 226,184 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,821 total views

 347,821 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top