Pangulo Duterte, binatikos ng Obispo sa itatatag na Death Squad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippine na hindi makatarungan at labag sa konstitusyon ang pagbubuo ng death squad.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na hindi naaayon sa isang demokrasyang bansa ang death squad at hindi rin ito makatutulong sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng bansa.

“Wala naman tayong death squad sa isang demokrasyang bansa, talagang hindi paraan yan ng demokrasya, dictatorial yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng Obispo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng death squad upang labanan at tugisin ang mga New People’s Army kasabay ng desisyong ihinto ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo.

Ipinaliwanag ng Obispo na alam ni Pangulong Duterte na hindi wasto ang death squad na tila umiiral sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra ipinagbabawal na gamot.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat palakasin ng pamahalaan ang sandatahang lakas na kinikilala ng Saligang Batas na nagpapatupad ng batas.

“Sa demokrasya ang isang pulis ang mag-iimbestiga at manghuhuli,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Kaugnay dito, iginiit din ng Commission on Human Rights na paglabag sa international humanitarian law ang pagbubuo ng death squad.

Inihayag ni CHR Chairperson Chito Gascon na bukod tanging inaatasan ng 1987 constitution na magpatupad ng batas ay ang sandatahang lakas at ang mga pulis.

PATAYAN

Nababahala naman ang ilang mambabatas sa ninanais ng pangulo dahil magdudulot lamang ito ng araw-araw na patayan at hindi ito makalulutas sa suliranin sa bansa.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, hindi ito makatutulong na mapababa ang presyo ng mga bilihin, serbisyo, kakulangan ng trabaho sa mga Filipino kundi mas lalong iiral sa lipunan ang kawalang katarungan at iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.

Naniniwala naman si Senator Antonio Trillanes IV na ito ay paraan lamang ni Pangulong Duterte upang linlangin ang International Criminal Court, maghasik ng takot sa mamamayan at ilihis ang publiko sa malalaking usapin na kinakaharap ng ating bayan kung saan higit na apektado ang mamamayang Filipino.

KAPAYAPAAN

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na lahat ay magkakaugnay at dapat iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa pulitika dahil sumisira lamang ito sa pagkakaisa ng mamamayan.

Una nang inihayag ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na sa pamamagitan ng kapayapaan ay matamo ang marangal at maunlad na bansa.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco hinimok nito ang mga bansa sa pangunguna ng mga pinuno nito na magkaisa, ipalaganap ang pag-ibig sa kapwa tulad ng ipinadama ni Hesus sa sangkatauhan upang iiral ang pag-uunawaan at kapayapaan sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 1,958 total reads

 1,958 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 222,577 total reads

 222,577 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 257,250 total reads

 257,250 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 273,150 total reads

 273,150 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 309,520 total reads

 309,520 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top