Hustisya, umiiral pa rin sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Higit ang pagpapasalamat ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa “guilty verdict” ng korte sa kaso ni Kian Lloyd Delos Santos.

Ayon sa Obispo, ang ‘guilty verdict’ sa mga Police Caloocan na sangkot sa pagpatay ay patunay na umiiral pa rin ang katarungan sa bansa.

“Salamat sa Diyos! Isang mabuting tanda ito na umuubra pa ang sistema ng hustisya sa bayan natin,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop David sa Radio Veritas

Inihayag ng Obispo na ang hatol ng korte ay magsisilbing simula para sa mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay na maglakas loob na magsalita at lumaban.

“Ang desisyon na ito ang magpapalakas ng loob sa mga kapamilya ng napakaraming iba pang mga kaso ng napatay dahil ‘diumano’y nanlaban’. Pero importante rin na maglakas-loob ang mga testigo at mailabas ang mga ebidensya,” ayon pa kay Bishop David.

Ang 17-taong gulang na si Kian Lloyd Delos Santos ay pinatay ng pulis Caloocan dahil sa bintang na pagbebenta ng ilegal na droga noong Agosto ng nakalipas na taon.

Sa desisyong inilabas ng Caloocan Regional Trial Court branch 125, napatunayan ng hukuman na nagkasala o guilty ang mga pulis na sina PO-1 Arnel Oares, Jeremias Pereda at Jerwin Cruz sa pagpatay kay Delos Santos at pinatawan ng parusang ‘reclusion perpetua’ o habang buhay na pagkakulong.

Si Bishop David ay kritiko ng Duterte administration laban sa mga pagpaslang sa “war against drugs’ ng pamahalaan.

Ang batang si Delos Santos ay isa lamang sa higit 20 libong bilang ng mga pinatay dahil sa bintang bilang mga addict at pusher.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,498 total reads

 82,498 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,887 total reads

 129,887 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,758 total reads

 177,758 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,706 total reads

 281,706 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,011 total reads

 364,011 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top