Mga kandidato sa pagkapangulo, iwas-pusoy sa repormang agraryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 305 total views

Nabitin o nakulangan si dating CBCP President at Arsobispo Emerito ng Lingayen Dagupan, Archbishop Oscar Cruz sa huling presidential debates.

Inihayag ni Archbishop na hindi nabanggit ng mga presidentiables sa kanilang huling debate ang matagal nang inaasam ng mga magsasaka sa tunay na implementasyon ng repormang agraryo sa bansa.

Binigyan diin ni Archbishop Cruz na hindi lamang irigasyon ang solusyon sa problemang kinakaharap ng mga magsasaka na siyang pangunahing ipinangako ng mga kandidato sa pagka – pangulo.

Nakikita ni Archbishop Cruz na ang puno’t dulo ng paghihirap ng mga magsasaka sa bansa ay pagpapanatili ng (feudalism o pyudalismo) kung saan patuloy na pinag-aarian o kinukontrol ng iilang panginoong maylupa ang hekta-hektaryang lupain sa bansa.

“Hindi ko narinig sa debate yung genuine agrarian reform. At reporma yung talagang ipamigay yung lupa dun sa mga agrarian beneficiaries at siyempre kasama diyan yung patubig at kasama diyan siyempre yung clean power generation. Ito pong hindi nabanggit na hindi ko narinig. Yun pa naman ang programang kauna – unahang inilunsad noong Martial Law pagkatapos hanggang ngayon naghihintay pa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na tinatayang 7.8-milyong hektarya ng lupain ang sakop ng Comprehensive Agrarian Reporm Program.

At batay sa ulat ng Malakanyang noong Disyembre 31, 2013 nakapamigay na ng 6.9 milyong ektarya ng lupa ang pamahalaan, katumbas ng 88% ng kabuuang lupa sa ilalim ng CARP.

Samantala, iniulat ng Bureau of Agricultural Statistics noong 1991 na 9,500 panginoong maylupa lamang ang nagmamay-ari sa halos 21 porsyento ng kabuuang lupaing agrikultural ng Pilipinas.

Habang, mahigit dalawang milyong magsasaka, na nagmamay-ari lamang ng kulang sa tatlong ektarya bawat isa, ang nagsisiksikan at naghahati-hati sa 18.5 porsyento ng lupaing agrikultural.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 33,122 total views

 33,122 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 207,056 total views

 207,056 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 184,689 total views

 184,689 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 247,590 total views

 247,590 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 264,896 total views

 264,896 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 62,497 total views

 62,497 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 261,278 total views

 261,278 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top