Mga Migranteng Muslim

SHARE THE TRUTH

 644 total views

Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.”
Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil sa panganib sa kanilang buhay at ngayo’y naghihintay na may bansang tatanggap sa kanila. Sa pag-uwiniyamulasa Lesbos, isinama ni Pope Francis ang tatlong pamilyang Muslim, kabilang sa kanila ang anim na bata, upang sila ay bigyan ng bagong tahanan sa Roma, doon mismo sa Vatican kung saan naninirahan ang Santo Papa. Nang tanungin ang Santo Papa kung bakit mga pamilyang Muslim, at hindi mga Kristiyano, ang kanyang isinama pauwisa Roma, sinabi niyang bukod sa maayos ang kanilang mga dokumento,ang iisang pamantayan lamang naman ay ang pagiging anak ng Diyos.
Sa mga wika ng ito ng Santo Papa, mga Kapanalig, tayo ay pinaaalalahanan naanuman ang relihiyon o paniniwala ng tao, siya ay anak ng Diyos at nararapat nabigyan ng pagkakataongmabuhay nang marangal at malaya. Ang ginawang ito ng Santo Papa ay talaga namang katangi-tangisa pagkatsa buong Europa ngayon ay patuloyang debate kung dapat pa bang tumanggap ang kanilang mga bansa ng mga migrante lalo nang mga Muslim na nagmulasa Syria. Matapos ang mga pagsabog sa Paris at sa Brussels kamakailan,nakinasawi ng maraming tao at pinaniniwala ang gawa ng grupong ISIS, marami ang nagtutulak na maghigpit ang kanilang gobyerno sa pagtanggap ng mga migrante. Kaya’t ang ginawang pagsama ng Santo Papa ng mga pamilyang Muslim upang manirahansa Vatican ay maituturing na pagtutol sa pananaw naisaraang pinto ng Europa sa mga migranteng Muslim.

Ang ama ng isa sa tatlong pamilyang Muslim naisinama ng Santo Papa ay nilisan ang Syria kasama ng kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak.Inutusan daw kasi siyang pumatay ng mga kalaban ng kanilang pinunona si Pangulong Assad. Hindi raw siya papatay para sa pangulong bansa. Dahil ayaw niyang pumatay ng kanyang kapwa, minabuti niyang lisanin ang kanyang bayan kahit malagay sa panganib ang sarili niyang buhay, pati na ang buhay ng kanyangp amilya. Siya ay isang Muslim na,gaya ng isang Kristiyano, ay nagpapahalaga sa buhay ng tao.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa bansa natin ngayon, tila marami ang nakakalimot sa napakahalagang turo ng ating Simbahan na ang sangkatauhan ay iisaang Ama, na anglahat ng tao ay anak ng Diyos.

Nariyan ang mga naghuhusga sa mga kapatid nating mga Muslim at itinuturing silang lahat bilang mga terorista. Nariyan din naman ang mga nag-iisip,lalo na sa panahon ng nalalapit na eleksyon,na mas mabuti raw ang mga pinunong handang pumatay kung ang pinapatay naman daw ay kriminal.Nakakalungkot at mapanganib, mga Kapanalig,ang paglaganap ng ganitong kaisipan. Labag na labag ito sa turo ni Hesus at ng ating Simbahan.

Ang ginawa ng Santo Papa, mga Kapanalig, ay isang pagpapakita na ang ating pananampalataya sa isang maawain at mapagpalang Ama ay hinahamon tayong huwag mag pabulag at magpakulong sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ating kapwa. Ang isang Muslim naminabuti pang ilagay sapanganib ang kanyang buhay sa halip na sundin ang isang utos na pumatay ng tao ay maaring higit na maka-Kristiyano ang pag-iisip kaysa sa mga banyagang dinadakila ang mga lider na pumapatay nang walang paglilitis.
Sagrado ang buhay ng tao, sinuman siya, anuman ang kanyang pananampalataya, anuman ang kanyang nagawa. Ito ang batas ng Diyos nakailanma’y hindi dapat ipagpalit sa anumang batas ng tao.
Sumainyo ang katotohanan

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 52,308 total views

 52,308 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,726 total views

 57,726 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 64,433 total views

 64,433 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 79,226 total views

 79,226 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 85,382 total views

 85,382 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Veritas Team

Bantayan—at ipagdasal—ang bagong pinuno ng PhilHealth

 2,036 total views

 2,036 total views Mga Kapanalig, sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Law, malinaw na nakasaad na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay dapat na may hindi bababa sa pitong taóng karanasan sa larangan ng public health, management, finance, at health economics. Ngunit mismong ang bagong talagáng pinuno ng PhilHealth na

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Weeds Among the Wheat: A Parable of Our Struggles

 1,047 total views

 1,047 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XVI-A, 23 July 2017 Wisdom 12:13,16-19//Romans 8:26-27//Matthew 13:24-43 There is no doubt among us believers of God’s power and might, of His immense love and goodness, of His wisdom and knowledge of everything. But when we observe how things are going on in the world

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Parable of the Sower, A Parable of Our Life In Christ

 784 total views

 784 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XV-A, 16 July 2017 Isaiah 55:10-11//Romans 8:18-23//Matthew 13:1-23 Starting today we get into the heart of Jesus Christ’s preaching, the parables. In St. Matthew’s gospel account, chapter 13 constitutes a well-defined structure of a collection of parables referred to as “Discourse on Parables” from which

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 724 total views

 724 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our Gospel today where Jesus calls us to “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Mt.11: 28) Often described as the “sweetest

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

 913 total views

 913 total views Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon. Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top