Mabigat na daloy ng trapiko, lutasin ng bagong administrasyon-NCCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total reads

Nanawagan ang National Council Commuters Protection (NCCP) kay presumptive President Davao City Mayor Rodrigo Duterte na agarang solusyunan ang mga problema sa trapiko partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay NCCP president Elvira Medina, tulad ng naipangako nitong pagsugpo sa krimen at droga ay matuldukan rin nawa ni Duterte sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ang problema sa rail transit system sa bansa na siyang magbabawas ng pagsikip ng trapiko sa lungsod.

“Ang challenge ni Mayor Duterte ay kung gaano niya kabilis masasagutan yung, mabibigyan ng solusyon yung problema ng commuters. Katulad ng sa MRT araw – araw 530, 000 ang gumagamit ng MRT at wala pa kaming nakikitang malinaw na solusyon doon kung siya ay doer katulad ng sinasabi niya ay nais naming makita na yun ay matutugunan niya. Kahit hanggang 3 hanggang 6 na buwan tutal sinasabi niya sa kriminalidad,” bahagi ng pahayag ni Medina sa panayam ng Veritas Patrol.

Nakikita ring solusyon ni Medina ay ang pagpapasa-ayos ng Philippine National Railway cargo system upang maiwasan na ang pagdudulot ng matinding trapik ng mga cargo trucks sa Metro Manila.

“Ang suggestion namin kung tungkol naman sa traffic kailangan ibalik kaagad ang operation ng PNR Cargo dahil sa aming pagsisiyasat, pagsusuri nakita namin na napakalaking factor yung mga trak, mga container van na dapat sana gumagamit ng train system natin ng PNR pero ng putulin yung serbisyo ng PNR imbes na ito ay i – rehabilitate ito ay pinutol. Ang sabi ng mga taga – insider ng PNR pwede pa naman daw ayusin at pwedeng gamitin. Kahit yung lang PNR Cargo immediately doable gusto naming makita para ma – unclog yung traffic,” giit pa ni Medina sa Radyo Veritas.
Nabatid na nangunguna na ang Pilipinas partikular na ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa buong mundo ayon sa pag-aaral ng Global Driver Satisfaction Index ng traffic gayundin ng navigation application na Waze.

Base ito sa isinagawang pagsusuri ng Waze sa driving experience ng kanilang 50 milyong users sa 32 bansa o 167 metro areas, lumitaw sa city level na nakakuha ng score na .4 ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang trapiko sa scale na 1 hanggang 10 kung saan, 1 ang pinakamababa.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA, nasa P3 hanggang P4 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan kada araw dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

Sa social doctrine of the church, hinihimok ng Simbahan ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang at programa na kasamang mabebenepisyuhan ang mayorya sa lipunan katulad ng mahihirap.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,524 total reads

 14,524 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,768 total reads

 72,768 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,135 total reads

 158,135 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 204,870 total reads

 204,870 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,742 total reads

 252,742 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,159 total reads

 353,159 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,124 total reads

 314,124 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,220 total reads

 420,220 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top