Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, tiwala kay Duterte na malulutas ang ‘laglag-bala modus’ sa NAIA

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Kumbinsido ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP – ECMI) sa naipangako ni presumptive President Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling maulit muli ang “laglag o tanim bala modus” sa paliparan.

Ayon kay CBCP – ECMI chairman Balanga, Bataan Bishop Rupeto Santos, tiwala ito sa Duterte administration na tuluyan ng matuldukan ang nakakahiyang modus na ito sa airport.

Natutuwa rin si Bishop Santos dahil wala ng dapat na ikabahala ang mga overseas Filipino workers (OFW) at mga balikbayan dahil nagmamalasakit sa kanila ang bagong pamunuan sa pamumuno ng ika – 16 na pangulo ng bansa.

“Ito ay magandang simulain at mensahe sa ating OFW at sa ating balikbayan na sila ay hindi dapat matakot, mangamba, maligalig sapagkat natutukan na at ginagawan na nang paraan upang ayusin, alisin at parusahan ang mga mali at hindi mabuting nanunungkulan sa pamahalaan at higit sa lahat doon sa NAIA,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Payag naman at suportado ang obispo sa patakaran ni Duterte na kinakailangan ng sampulan, parusahan at bigyan ng leksyon ang mga nasa likod ng modus na ito.

“Sa tanim bala maganda ang kanyang pangako na kanyang tatanggalin, kanyang papaalisin. Kasi ang nangyayari noong pang nagkaroon ng tanim bala wala pang nasasampulan, walang napaparusahan. Hindi nadidisiplina yung mga tao roon patuloy pa rin sila ngayon sa palagay namin kapag talagang may pinarusahan, talagang merong nasampulan ito ay magiging tanda at hudyat na yung kanilang maling ginagawa ay hindi kinokunsinti ng nakakataas at sila ay mag – iingat at sila ay susunod sa patakaran at hindi na gagawa ng masama para kikilan, para lokohin, para nakawan ang ating manlalakbay upang magbiyahe,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na batay naman sa datos mula sa Philippine National Police Aviation Security Group o PNP- Avsegroup tinatayang 105 na ang bilang ng mga nahulihang bala sa mga airport mula Enero hanggang Nobyembre taong 2015.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,388 total views

 83,388 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,163 total views

 91,163 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,343 total views

 99,343 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,875 total views

 114,875 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,818 total views

 118,818 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,867 total views

 89,867 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,265 total views

 86,265 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,901 total views

 32,901 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,912 total views

 32,912 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,916 total views

 32,916 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top