Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mabigat na daloy ng trapiko, lutasin ng bagong administrasyon-NCCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total views

Nanawagan ang National Council Commuters Protection (NCCP) kay presumptive President Davao City Mayor Rodrigo Duterte na agarang solusyunan ang mga problema sa trapiko partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay NCCP president Elvira Medina, tulad ng naipangako nitong pagsugpo sa krimen at droga ay matuldukan rin nawa ni Duterte sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ang problema sa rail transit system sa bansa na siyang magbabawas ng pagsikip ng trapiko sa lungsod.

“Ang challenge ni Mayor Duterte ay kung gaano niya kabilis masasagutan yung, mabibigyan ng solusyon yung problema ng commuters. Katulad ng sa MRT araw – araw 530, 000 ang gumagamit ng MRT at wala pa kaming nakikitang malinaw na solusyon doon kung siya ay doer katulad ng sinasabi niya ay nais naming makita na yun ay matutugunan niya. Kahit hanggang 3 hanggang 6 na buwan tutal sinasabi niya sa kriminalidad,” bahagi ng pahayag ni Medina sa panayam ng Veritas Patrol.

Nakikita ring solusyon ni Medina ay ang pagpapasa-ayos ng Philippine National Railway cargo system upang maiwasan na ang pagdudulot ng matinding trapik ng mga cargo trucks sa Metro Manila.

“Ang suggestion namin kung tungkol naman sa traffic kailangan ibalik kaagad ang operation ng PNR Cargo dahil sa aming pagsisiyasat, pagsusuri nakita namin na napakalaking factor yung mga trak, mga container van na dapat sana gumagamit ng train system natin ng PNR pero ng putulin yung serbisyo ng PNR imbes na ito ay i – rehabilitate ito ay pinutol. Ang sabi ng mga taga – insider ng PNR pwede pa naman daw ayusin at pwedeng gamitin. Kahit yung lang PNR Cargo immediately doable gusto naming makita para ma – unclog yung traffic,” giit pa ni Medina sa Radyo Veritas.
Nabatid na nangunguna na ang Pilipinas partikular na ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa buong mundo ayon sa pag-aaral ng Global Driver Satisfaction Index ng traffic gayundin ng navigation application na Waze.

Base ito sa isinagawang pagsusuri ng Waze sa driving experience ng kanilang 50 milyong users sa 32 bansa o 167 metro areas, lumitaw sa city level na nakakuha ng score na .4 ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang trapiko sa scale na 1 hanggang 10 kung saan, 1 ang pinakamababa.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA, nasa P3 hanggang P4 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan kada araw dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

Sa social doctrine of the church, hinihimok ng Simbahan ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang at programa na kasamang mabebenepisyuhan ang mayorya sa lipunan katulad ng mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 10,474 total views

 10,474 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 56,197 total views

 56,197 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 58,407 total views

 58,407 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 131,548 total views

 131,548 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 143,585 total views

 143,585 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 93,654 total views

 93,654 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 278,657 total views

 278,657 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top