Obispo, tiwala kay Duterte na malulutas ang ‘laglag-bala modus’ sa NAIA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total reads

Kumbinsido ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP – ECMI) sa naipangako ni presumptive President Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling maulit muli ang “laglag o tanim bala modus” sa paliparan.

Ayon kay CBCP – ECMI chairman Balanga, Bataan Bishop Rupeto Santos, tiwala ito sa Duterte administration na tuluyan ng matuldukan ang nakakahiyang modus na ito sa airport.

Natutuwa rin si Bishop Santos dahil wala ng dapat na ikabahala ang mga overseas Filipino workers (OFW) at mga balikbayan dahil nagmamalasakit sa kanila ang bagong pamunuan sa pamumuno ng ika – 16 na pangulo ng bansa.

“Ito ay magandang simulain at mensahe sa ating OFW at sa ating balikbayan na sila ay hindi dapat matakot, mangamba, maligalig sapagkat natutukan na at ginagawan na nang paraan upang ayusin, alisin at parusahan ang mga mali at hindi mabuting nanunungkulan sa pamahalaan at higit sa lahat doon sa NAIA,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Payag naman at suportado ang obispo sa patakaran ni Duterte na kinakailangan ng sampulan, parusahan at bigyan ng leksyon ang mga nasa likod ng modus na ito.

“Sa tanim bala maganda ang kanyang pangako na kanyang tatanggalin, kanyang papaalisin. Kasi ang nangyayari noong pang nagkaroon ng tanim bala wala pang nasasampulan, walang napaparusahan. Hindi nadidisiplina yung mga tao roon patuloy pa rin sila ngayon sa palagay namin kapag talagang may pinarusahan, talagang merong nasampulan ito ay magiging tanda at hudyat na yung kanilang maling ginagawa ay hindi kinokunsinti ng nakakataas at sila ay mag – iingat at sila ay susunod sa patakaran at hindi na gagawa ng masama para kikilan, para lokohin, para nakawan ang ating manlalakbay upang magbiyahe,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na batay naman sa datos mula sa Philippine National Police Aviation Security Group o PNP- Avsegroup tinatayang 105 na ang bilang ng mga nahulihang bala sa mga airport mula Enero hanggang Nobyembre taong 2015.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,379 total reads

 14,379 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,447 total reads

 72,447 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 157,814 total reads

 157,814 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 204,549 total reads

 204,549 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,421 total reads

 252,421 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 352,841 total reads

 352,841 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,108 total reads

 314,108 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,204 total reads

 420,204 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top