Mga opisyal ng mga barangay, nasusuhulan kaya’t laganap ang iligal na droga – Abp Cruz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 351 total views

Posibleng nasusuhulan ang mga opisyal ng mga barangay kayat laganap ang iligal na droga sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay dating CBCP president Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, ang mga opisyal ng bawat barangay ang nakakaalam sa mga gawain ng mga residente kayat imposibleng hindi nila malaman kung may pagawaan na ng shabu sa kanilang barangay.

Sinabi pa ni archbishop Cruz, kung nakakapag-operate man ang mga sindikato ng droga sa isang lugar, tiyak na nagbubulag-bulagan lamang ang mga namumuno doon dahil sa posibleng nasuhulan na sila ng pera.

“Tungkol sa droga, imposible na sa isang barangay ay may gawan gamitan ng droga, hindi alam ng barangay captain, ng tanod eh bakit kaya bulag, natapalan ba ang mata o hindi ginagawa ang trabaho, kaya nga itinalaga sila sa barangay sila ang nasa laylayan, minsan nakakalimutan nila na doon pwede lahat na ipatupad ang batas.” Pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Dahil dito, pinayuhan ng arsobispo si president-elect Rodrigo Duterte na nararapat lamang na simulan sa barangay level ang pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.

Una ng inihayag ni president elect Rodrigo Duterte na sisimulan niya sa mga barangay ang pagpapatupad ng kanyang kampanya laban sa droga at nangakong papanagutin ang lahat ng sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Pinayuhan naman ni archbishop Cruz ang Pangulong Duterte na huwag tularan ang mga nagdaang administrasyon na maluwag sa mga umaalis ng Pilipinas na nagtutungo sa mga bansang pinaniniwalaang malakas ang transaksyon ng mga iligal na droga.

“Ikalawa, masyado tayo maluwag sa mga nagpupunta sa ibang bansa lalo na sa China, Taiwan etc, ito ang mga drug manufacturers so konting ingat o higpit di naman siguro mahirap yan.” Pahayag ni archbishop Cruz.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong 2012, mahigit 8,000 mula sa mahigit 42,000 mga barangay sa bansa ang may drug-related activities kung saan ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na may operasyon ng droga na nasa 92.10 percent.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 11,145 total views

 11,145 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 20,509 total views

 20,509 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 46,965 total views

 46,965 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 97,233 total views

 97,233 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 102,005 total views

 102,005 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 74,648 total views

 74,648 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 267,876 total views

 267,876 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top