La Niña, nakaamba sa mga sinalanta ng El Niño phenomenon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Patuloy na naka-alalay ang Archdiocese of Cebu sa pangangailangan ng mga Parokya na apektado ng El Niño Phenomenon sa lalawigan.

Ayon kay Rev. Fr. Cha Jayme, Risk Reduction Unit head ng Caritas Cebu, patuloy silang namamahagi ng bigas sa sampung parokya na apektado ngayon ng labis na tagtuyot.

Bagamat aminado si Fr. Jayme na may ilan nang mga pag-ulan na nagaganap sa kanilang lalawigan ay hindi pa rin ito sasapat upang tuluyang makabawi ang mga apektadong residente.

Sinabi ni Father Jayme na kumikilos na rin ang Caritas Cebu upang magpatupad ng mga programa na naglalayong mas mapaghandaan at maiwasan ang labis na epekto ng tag-tuyot sa pagsasaka.

Samantala, aminado naman ang Diocese of Tagbilaran na hindi agad makakabawi ang mga magsasakang apektado ng El Niño sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Fr. Felix Warli Salise, Social Action Director ng Diocese of Tagbilaran, sektor ng agrikultura ang labis na naapektuhan ng tagtuyot kaya lalong nahihirapan at lumalaki ang utang ng mga magsasaka.

Nangangamba si Fr. Salise na bagamat may mga pag-ulan nang nagaganap sa ilang bahagi ng lalawigan ay hindi pa rin ito agarang makakatugon sa pagkalugi at pagkasira ng mga pananim ng mga apektadong residente.

Umaasa din ang Pari na makatulong sa kanila ang ibang institusyon ng Simbahan sa pamamagitan ng mga programa na hindi lamang para agarang makatugon sa mga nangangailangan kundi para sa pangmatagalan at epektibong solusyon sa problema.

Magugunitang unang nagdeklara ng state of calamity sa lalawigan ng Bohol dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.

Nabatid na umaabot sa 40-libong magsasaka mula 27-bayan ang apektado ng tagtuyot sa nasabing probinsiya.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, malapit ng matapos ang epekto ng el nino phenomenon ngunit nakaamba naman ang la nina na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa huling bahagi ng taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 23,807 total reads

 23,807 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,448 total reads

 110,448 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,187 total reads

 157,187 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,059 total reads

 205,059 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 307,850 total reads

 307,850 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,326 total reads

 113,326 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top