Children’s Emergency Relief and Protection Act, agarang ipatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total views

Ikinagalak ni CBCP Episcopal Commission on Youth Chairman Abra Bishop Leopoldo Jaucian ang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa Republic Act 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Ang batas na ito ay naglalayong mabigyan ng kumprehensibong plano at proteksyon ang mga kabataan na nagiging biktima ng mga kalamidad lalo na’t isa ang Pilipinas sa mga bansa na pinakanakakaranas nito.

Para kay Bishop Jaucian, malaking tulong ang maidudulot ng nasabing batas para mabigyang pansin ang mga bata na apektado ng mga dumarating na kalamidad sa bansa dahil sila ang nalalagay sa peligro at nawawalan ng magandang kinabukasan.

Aniya, ang mga bata ay maituturing na isa sa mga pinaka dapat bigyan pansin na miyembro ng pamilya tuwing nagkakaroon ng kalamidad sapagkat hindi pa sapat ang kanilang kakayanan para ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa sakuna.

“Kasi karamihan lalong-lalo na ang mga bata sila ang mahihinang miyembro ng pamilya na talagang nangangailangan ng tulong, na higit na pagtuunan natin ng pansin, sa tingin ko malaking tulong ito lalo na sa mga kabataan.” pahayag ni Bishop Jaucian sa panayam ng Radio Veritas.

Unang nauprabahan ang R.A 10821 sa Senado noong buwan ng Pebrero.

Umaasa si Bishop Jaucian na sa pagkakaroon ng bagong administrasyon ay mabigyan pansin ang bagong batas at maging epektibo lalo na’t papasok na ang panahon ng tag-ulan.

“Sana maipagpatuloy ito lalo na ang pangangalaga sa karapatan ng mga bata, lalo na ang pagtulong sa kanila”dagdag pa ng Obispo ng Bangued, Abra.

Batay sa datos ng Save the Children Philippines, umaabot sa 1.3 milyong kabataan ang naapektuhan ng iba’t-ibang kalamidad noong taong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 8,122 total views

 8,122 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 41,204 total views

 41,204 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 69,555 total views

 69,555 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 137,285 total views

 137,285 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 159,770 total views

 159,770 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,451 total views

 92,451 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top