School supplies, natuklasang mayroong mataas na lead content

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Binalaan ng Ecowaste coalition ang mamamayan na maging maingat at suriing mabuti ang school supplies na bibilhin para sa nalalapit na pasukan.

Natuklasan ng grupo ni Anthony Dizon – Toxic School Supplies Campaigner sa kanilang pag-iikot sa ilang pamilihan na ilang produktong pang eskwela ay may mataas na lead content.

“Para sa nalalapit na pasukan tayo ay namili dito sa ating mga pamilihan sa Metro Manila, duon sa 75 piraso ng iba’t ibang klaseng kagamitang pang eskwela katulad ng bag, folder, mga lunch box, pati yung mga water container, sinuri natin gamit yung X-ray Fluorescent Spectrometer, at lumabas na 32 dun sa 75 na school supplies ay nagtataglay ng napakatataas na lead.” Pahayag ni Dizon sa Radyo Veritas.

Dahil dito, binalaan ni Dizon ang mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak, dahil sa pag-aaral ng Ecowaste Coalition, ang Lead na Neuro Toxin ay pangunahing umaatake sa utak ng tao.

Pinabababa nito ang Intelligence Quotient, at bumabagal ang psychodevelopment ng batang na expose sa mataas na lead content.

Maaaring kakitaan ang mga bata ng pagiging balisa at matamlay sakaling makagamit ng kagamitang lagpas sa itinalagang lead content limit.

“Ang pangunahing inaatake nito ay yung utak, nagpapababa ito ng IQ at psycho development. Kaya nga yan yung ating inaabiso at may batas na tayo dito na kailangang sumunod at managot yung mga manufacturer at maging yung mga nagtitinda.” Pahayag ni Dizon.

Dahil dito, muling iginiit ni Dizon na mahalagang suriin ng mga magulang ang gamit pambata na kanilang bibilhin kahit walang X-ray Fluorescent Spectrometer, maaaring makita sa label o etiketa ang mga nakasaad na materyales na ginamit sa paggawa ng mga kagamitang pang eskwela.

Sa ulat ng grupo, 90 parts per million of lead ang itinalaga ng US Consumer Product Safety Improvement Act na ligtas para sa mga gamit pambata.

Subalit natuklasan na ilan sa mga bag na pambata sa mga pmapublikong pamilihan ay umabot sa 120,000 ppm of lead.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,497 total reads

 22,497 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,219 total reads

 109,219 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 155,958 total reads

 155,958 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,830 total reads

 203,830 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,677 total reads

 306,677 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,003 total reads

 43,003 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,880 total reads

 35,880 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top