CBCP, nagpasalamat sa pagkakasalba mula sa parusang bitay sa isang OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 412 total reads

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples matapos na maisalba ang buhay at bumalik ng ligtas sa bansa ang overseas Filipino worker na si Jonard Langamin sa parusang kamatayan sa Saudi Arabia.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, maituturing itong biyaya sa pagkilala na ang buhay ay iginagalang at ipinagtatanggol gaano man kabigat ang kasalanang nagawa.

Hinimok rin ni Bishop Santos ang pamahalaan at iba pang ahensya na tumugon na rin sa mahigit 100 pang mga OFWs na nasa death row o nahaharap sa parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa na karamihan ay may kasong drug trafficking batay sa ulat ng Migrante International.

“Tayo ay nararapat na magpasalamat sa Diyos dahil ang buhay ay naligtas. Tayo ay nagpapasalamat sa ating pamahalaan at pamahalaan doon na isang buhay ang hindi nasayang, hindi naaksaya at ito ay patunay na kung saan dapat ang buhay ipagtatanggol, ang buhay ating igagalang at dapat ang lahat ay tumutugon, tumutulong, dumadamay upang iligtas ang ating kababayan na nasa bingit ng kamatayan at nasa panganib ng kamatayan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nag – alay rin ng panalangin ang obispo sa lahat pa ng mga OFWs na nagdurusa sa bilangguan at umaasa na baling araw ay makakauwi ng ligtas at buhay sa ating bansa.

“Tayo rin ay nanalangin at humihiling sa Panginoon na kung saan ay meron pa tayong kapwa Pilipino na nagdurusa, naghihirap sa bingit ng alanganin at kaparusahan at dapat ring tulungan. Ito ay panawagan rin natin kung saan ay dapat magtulungan at ito ay magiging daan upang ang buhay ay maligtas at mapangalagaan,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Noong 2008 nahatulan ng parusang kamatayan si Langamin ng mapaslang nito ang kapwa Pilipino na si Robertson Mendoza at napawalang bisa ito noong 2012 matapos na lumagda sa ‘tanazul’ o affidavit ng pagpapatawad ang pamilya Mendoza.

Lumabas sa pag-aaral ng Amnesty International na tumaas ng 54 na porsyento ang naitalang bilang ng mga Pilipinong nasa death row na noong 2015 ay umabot sa 1,634.

Sa tala, nagmula sa mga bansang Iran, Pakistan at Saudi Arabia ang 89 na porsyento o higit 1,400 na kaso ng execution mula sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 15,869 total reads

 15,869 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 39,442 total reads

 39,442 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 75,943 total reads

 75,943 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 296,567 total reads

 296,567 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 330,341 total reads

 330,341 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 234,365 total reads

 234,365 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 368,917 total reads

 368,917 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top