Kabataan at mahihirap, pagtutuunan ng pansin ng bagong obispo ng Diocese of Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 391 total views

Mga kabataan at mahihirap sa Diocese of Tarlac ang pagtutuunan ng pansin ng bagong talagang obispo nito na si Bishop Enrique Macaraeg.

Sa panayam ng Radyo Veritas, ayon kay bishop Macaraeg, pinag-aaralan na niya ang pastoral thrust at direction ng diocese upang kaagad maka-aksyon at makatulong sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa usapin ng formation.

Sinabi pa ng obispo na nag-iisip na rin sila ng mga programa para sa mga kabataan at sa mahihirap upang kahit paano ay makatulong ang Simbahan doon.

“Pag-aaralan namin ang pastoral thrust and directions ng diocese of Tarlac at bibigyan pansin ang mahihirap, gagawa ng mga programa na para kahit paano makatulong sa kanilang sitwasyon para mapabuti naman ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng mga programa ng diocese at sa parishes para sa mahihirap.” Pahayag ni Bishop Macaraeg sa panayam ng Radyo Veritas.

Nag-alay din ng panalangin ang obispo para sa mahihirap na maibsan nawa kahit paano ang kanilang mga pasanin sa buhay.

“Ama naming Panginoon, kami po ay laging nanalangin para sa aming mga kapatid na ngayon ay nahihirapan at nagugutom walang makain sa kanilang tahanan, dahil sa wala silang pera pambili ng pagkain, naway mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-hanapbuhay at kumita ng pera para sa kanilang ikabubuhay, pagkain at mapakain ang kanilang pamilya, hinihiling namin ito sa pammagitan ni Jesuskristo na aming Panginoon.” Panalangin ng obispo.

Nito lamang nagdaang Mayo -24, ang ordinasyon ni Bishop Macaraeg at Mayo a-31 ang kanyang instalasyon sa pangunguna ng Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto.

Si Bishop Macaraeg ang dating vicar-general ng archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Nasa mahigit 90 na ang obispo ng Simbahang Katolika sa bansa.

Sa ulat ng Philippine Institute for Development Studies noong 2008-2009, 40.1 percent ng resident eng Tarlac nabubuhay ‘Significantly below average’ habang 47.3 percent ang below average.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 5,155 total views

 5,155 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 38,237 total views

 38,237 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 66,588 total views

 66,588 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 134,318 total views

 134,318 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 157,051 total views

 157,051 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 150,615 total views

 150,615 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 314,281 total views

 314,281 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top