Archdiocese of Lipa, kumilos muli laban sa extractive industries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Nagsasagawa ng sama-samang pagkilos ang Simbahang Katolika laban sa mga extractive industries na sumisira sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Dakila Ramos, head minister ng Lipa Archdiocesan Ministry on environment, patuloy ang panghihimok ng kanilang grupo sa mga mamamayan ng Lobo Batangas na huwag panghinaan ng loob sa pag protekta sa kanilang bayan.

Dagdag pa rito, regular na nagsasagawa ng lakad-dasal ang kanilang grupo, upang ipanalangin ang pagbabago ng isip ng mga nahalal na opisyal na pabor sa pagbubukas ng mga minahan at pagtatayo ng coal-fired power plants sa lalawigan.

“Mariing tinututulan ng Simbahan at ng iba’t ibang organisasyon na nangangalaga sa kalikasan ang pagkawasak sa kalikasan lalo’t higit ang mining at coal sa Batangas, at sa dami ng taong concerned, patuloy po kaming nananawagan.” Pahayag ni Fr. Ramos sa Radyo Veritas.

Hiniling rin ni Fr. Ramos sa mga pulitiko na nanalo noong nagdaang eleksyon na panindigan ang kanilang sinumpaang pangako na hindi ito magpapadala sa salapi at isa ang pangangalaga sa kalikasan ang kanilang tututukan.

“Sana po yung mga nanalong kandidato na manunungkulan ngayon, ay gawin nila yung kanilang pangako para sa bayan, kasi ngayon na ngangamba ang lahat na baka matuloy yung pagmimina, baka matuloy yung iba’t ibang coal na s’ya namang alam natin na nakasisira sa lahat.” Dagdag ni Fr. Ramos.

Dahil dito, umaasa ang pari at ipinagdarasal na maging kaisa ng Simbahan ang susunod na administrasyon sa pangangalaga sa kalikasan.

“Patuloy po yung aming pagdadasal, patuloy po ang aming pakikibaka, at sana po sa lahat ng nakikinig patuloy po nating ipagdasal hindi lang po ang Batangas kundi ang buong Pilipinas, sana sa darating na Duterte Administration ay sana patuloy ang pagbabago, pagbabago na hindi iniisip ay ang sarili kundi kapakanan ng bayan.” Ayon pa sa pari.

Samantala, matatagpuan sa Lobo, Batangas, ang Verde Island Passage na tinaguriang “Center of the Center of the World’s Marine Biodiversity”, dahilan upang mahigpit na protektahan ng mga lokal na residente ang lugar.

Napag-alaman na plano ng kumpanyang J-G Summit Holdings Inc. na magtayo ng 600 Megawatts Coal Fired Power Plants, sa Lobo Batangas na tiyak na makaaapekto sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan dito.

Sa tala, sa kasalukuyan ay mayroong 19 pasilidad ng Coal Fired Power Plants sa Pilipinas, habang nakaamba pang magtayo ng karagdagang 27 na pasilidad ng coal Fired power plants hanggang taong 2020.

Bukod dito, ayon sa Mines and Geosciences Bureau ay umabot na sa 47 large scale mining ang nag o-operate sa bansa sa kasalukuyan.

Dahil dito, una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong laudato si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

Samantala, sa Ensiklikal na Laudato Si, pinuna ni Pope Francis ang hindi makatarungang gawain ng mga multinasyonal na kumpanyang nagmimina, mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries.

Aniya pagkatapos ng kanilang mga aktibidad, sa kanilang paglisan ay nag iiwan sila ng malalaking pasanin sa mga tao at sa kalikasan tulad ng kawalan ng trabaho, mga bayang inabandona, pagkaubos ng likas na pagkukunan, pagkakalbo ng kagubatan, pagkalugi ng agrikultura at paghahayupang lokal, mga bukas na hukay, uka-ukang burol, maruruming ilog at maliliit na serbisyong panlipunan na hindi na maaaring mapagpatuloy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,754 total reads

 35,754 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,604 total reads

 121,604 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 168,342 total reads

 168,342 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 216,214 total reads

 216,214 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 318,485 total reads

 318,485 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,227 total reads

 43,227 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,103 total reads

 36,103 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top