Obispo sa taas sahod; salamat, pero ito ay hindi sapat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Kakarampot lamang ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang P10 dagdag sa sahod ng nasa 15 milyong manggagawa sa NCR o National Capital Region.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon nagpapasalamat siya sa pagtataas ng sahod gayunpaman aniya napakaliit ng P 10 dagdag sa minimum wage dahil tanging pasahe sa jeep lamang ang kasing – halaga nito.

Nanawagan rin si Bishop Pabillo sa pamahalaan na bigyan prayoridad rin ang pagtataas ng sahod sa mga manggagawa sa probinsya na mas nangangailangan nito.

“Sa akin may dalawang point na ako. Una nagpapasalamat tayo merong pagtataas lalo na sa minimum wage. Pero tinitignan natin napakaliit ng sampung piso na pagtataas isang pamasahe lang yan. Napakaliit at alam naman natin ang layo ng ating minimum wage sa ating living wage ang isang sahod na makaka – suporta sa pamilya. At pangalawa, bakit dito lang yan sa Metro Manila panu yung iba? May mahirap nga yung mga tao sa probinsya natin. Alam natin ang mga kahirapan sa mga probinsya bakit dito lang yan sa NCR?” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Nais rin ng obispo na maabot nawa ang sapat na sahod na nakabubuhay o living wage upang matulungan at guminhawa ang nasa 11.2 milyong pamilya na nagsabing sila ay mahirap batay sa pag – aaral ng Social Weather Station (SWS).

“Ayon sa pag – aaral ng NEDA at DOLE ang mga living wage aabot ng P1,000 a day yan. Ang mga below pa nga halos kalahati niyan kung ganoong pagtaas ng P10 pesos mga P491 lang ang layo kaysa sa living wage,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nauna na ring ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan igalang ang dignidad ng bawat manggagawa at ituring ang mga pangunahin nilang pangangailangan sa paglago ng kanilang pamilya tungo sa pag – unlad ng isang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 34,339 total reads

 34,339 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 120,271 total reads

 120,271 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 167,009 total reads

 167,009 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 214,881 total reads

 214,881 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 317,200 total reads

 317,200 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,683 total reads

 312,683 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,914 total reads

 418,914 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top