Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tuloy-tuloy ang reporma sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 306 total views

Hindi tumitigil ang Simbahang Katolika sa pagpapatupad ng reporma.

Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy sa patutsada ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kinakailangan ng Simbahan ng reporma.

Ang pahayag ng Pangulong Duterte ay kasunod ng pagkakabunyag sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Inihayag ni Bishop Famadico na regular ang pagpapatupad ng Spiritual at Moral Reform ng Simbahan bago pa man lumabas ang mga kontrobersyal na kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan.

Iginiit ng Obispo na regular ang reporma na ipinatutupad ng Simbahan upang makasabay sa pagbabago ng panahon at maiangkop ang mga turo at paggabay ng Simbahan sa mga pinagdadaanan ng mga mananamapalataya sa kasalukuyang panahon.

“Yung reform ng Simbahan ay hindi naman kinakailangan magkaroon ng mga ganitong abuses, ang Simbahan ay laging dapat may reform yan ay Spiritually, Morally ang Simbahan ay hindi tumitigil sa pagkakaroon ng reform, actually yung reform hindi naman kinakailangan na magkaroon ng abuse halimbawa ang isang Simbahan ay maganda ang takbo pero kahit ang takbo ng mga history ay may mga bagay na nagbabago kaya kinakailangan mag-adjust din yung Simbahan kaya yung growth of the church is always there, is always required…” paglilinaw ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo na patuloy at regular ang repormang isinasagawa ng Simbahan upang mapaunlad ang paraan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo at hindi lamang upang maisaayos ang institusyon dahil sa iba’t ibang mga kontrobersiya kinahaharap nito.

Tiniyak naman ni Bishop Famadico na hindi isinasantabi at pinababayaan ng mga Obispo ng bawat diyosesis ang mga reklamo laban sa mga lingkod ng Simbahan na dumadaan sa tamang proseso ng pag-iimbestiga at pagpaparusa kapag napatunayang may nagawang kasalanan.

Kaugnay nito, unang nagpatawag ng February Summit on Sexual Abuse sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Francisco upang matalakay ang mga kontrobersyal na usaping kinahaharap sa kasalukuyan ng Simbahan.

Nakatakda ang pagtitipon sa ika-21 hanggang ika-24 ng Pebrero kung saan ipinatawag ni Pope Francis ang lahat ng mga Pangulo ng Episcopal Conferences sa buong mundo para sumailalim sa penitential liturgy, talakayan at pagninilay upang ganap na makapagbuo ng mga panibagong pamamaraan at reporma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 23,613 total views

 23,613 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 32,281 total views

 32,281 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 40,461 total views

 40,461 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,239 total views

 36,239 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 48,289 total views

 48,289 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,346 total views

 2,346 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,163 total views

 3,163 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 12,334 total views

 12,334 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top